NITONG mga huling linggo, bumuhos sa ating email ang mga press releases ng Magdalo. Naroon iyong magdiriwang ng birthday sa Nueva Ecija, iyong wala pa silang sinusuportahang kandidato pagkapangulo, atbp. Naniniwala ba kayo sa adhikain ng mga rebeldeng sundalo na tinawag pa nila ang kanilang grupo na Magdalo (hindi ganito ang pananaw ng Partido Magdalo […]
ANG tapunan ng mga basura sa isa’t isa nina Sen.Ping Lacson at dating Pangulong Erap ay mabuti para sa publiko. Dahil sa paghuhugas nila ng kanilang maruming kumot sa publiko, nalalaman tuloy ng taumbayan ang tunay nilang pagkatao. Nabubunyag tuloy ang kanilang masasamang gawain noong nasa kapangyarihan pa sila.
TEKA muna. Nag-iiba ang ihip ng hangin sa simbahang Katolika. Naglalaro sa isipan ng mga obispo na mag-block voting ang mga kaanib (kailan ba nagkaisa ang mga Katoliko sa pagboto sa mga politiko?) sa eleksyon sa 2010. Pero, ayon kay Cebu Archbishop Cardinal Vidal, hindi puwedeng iboto si Noynoy Aquino (o ang kanyang partido, kapag […]
NOONG isang linggo, bilang isang anniversary treat, binusog ng Bandera ang kanyang mambabasa ng mga artikulong may kinalaman sa mga artistang sumabak sa politika: Silang mga sumikat at maging mga bahagyang nagningning sa pinilakang tabing at telebisyon; sila na nagkaroon ng magandang pangalan sa larangan ng pag-arte, pagkanta at pagsayaw; sila na ginamit ang katanyagan […]
MASARAP makinig ng away nina Sen. Panfilo Lacson at dating Pangulong Joseph Estrada. Labasan ng baho. Ng kanya-kanyang dumi. Kailan pa man ay mahilig nang makinig ang Pinoy sa labasan ng baho. Pero, ikaw at ako at tayo ang lugi. Pera na naman natin ang ginagasta rito. Sa mga privilege speech sa Senado, tayo ang […]
UMUGONG na, mula kay dating Pangulong Fidel Ramos, ang bali-balita na kudeta na maaaring ilunsad ng militar at ilang politiko kapag nagkagulo sa halalang de-pindot na lang. Pero, kung sakaling matuloy nga ang halalan ay di pa rin nakatitiyak ang mananalo na puwede siyang pabagsakin sa puwesto. Balikan natin ang kasaysayan:
SIYEMPRE naman. Lahat tayo, may load ang mga cellphone. Kapag wala na tayong load at malapit nang mag-“check operator,” gumagawa tayo ng paraan kahit magka-load lang ng P10. Puwede namang utangin yan sa tindahan na nagpapa-load.
KAMAKAILAN ay nakapanayam ng mga editor ng Bandera si Sen. Jamby Madrigal at hayagang ipinahayag ng senadora na pabor siya sa divorce. Si Jamby ang pinakamataas na opisyal ng bansa na pabor sa divorce. Ang isa pa ay si Rep. Liza Masa, na may akda ng panukalang nagsusulong sa divorce, pero di gumalaw dahil pinatulog […]
NANGHIHINAYANG ka ba kay Vice President Noli de Castro, na di dadalhin ng partido ng administrasyon sa 2010 elections? Siyempre naman, kilala mo si Noli, kahit noong nasa radyo pa siya at kasama ng yumaong si Rod Navarro. Hanggang sa naging senador at bise presidente. Hanggang sa magiging presidente? Ano kaya ang nangyari, bakit parang […]
SA dzMM, na pag-aari ng ABS-CBN, panalo na si Noynoy Aquino dahil mahal na mahal siya ng taumbayan. Sa dzBB, na pag-aari ng GMA7 at kalaban ng ABS-CBN, kailangan pa ng karanasan ni Noy. Sa dwIZ, heto ang matindi: Babawiin ng Lopez ang di nila nakuha at nawala sa kanila sa gobyerno ni Gloria, kapag […]
HAPPY 19th birthday, Bandera. Marami ka nang pinagdaanan. Marami nang nangyari sa iyo. Tulad ng tao ay isinilang ka rin at tinunton ang mga unang hakbang. Tulad nating lahat ay nagmahal ka rin at pinili mo ang katotohanan, kahit na ito’y masakit. Tulad ninuman ay nangailangan ka rin at nang magkapera ay di ka naging […]