PITONG hinihinalang drug pusher ang napatay sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa mga lalawigang nakapaligid sa Metro Manila nito lang Miyerkules at Huwebes. Apat ang napatay at 35 ang naaresto, habang 120 sachet ng hinihinalang shabu at apat na baril ang nasamsam sa Bulacan, ayon sa ulat ng provincial police. Napatay ang isang alyas “Onad” […]
DI bababa sa 16 katao ang sugatan nang mahulog sa kanal at tumagilid ang isang pampasaherong bus, sa bahagi ng Southern Tagalog Arterial Road (Star) Tollway na sakop ng Tanauan City, Batangas, Huwebes ng hapon. Dinala sa ospital ang 57 sakay ng bus, at 16 sa kanila ang kinailangang manatili para lapatan ng lunas, sabi […]
DINAKIP ng mga tauhan ng Navy ang 20 na Vietnamese nang mahuli ang mga banyagang iligal na nangingisda malapit sa Balabac, Palawan, ayon sa mga otoridad. Ayon kay Capt. Cherryl Tindog, tagapagsalita ng Armed Forces Western Command, naharang ng Navy vessel PC-375 ang dalawang banyagang bangkang pangisda sa bahagi ng dagat na malapit sa Mangsee […]
NAGTAMO ng pinsala ang 11 katao, karamiha’y menor de edad, nang tamaan ng kidlat ang isang kapilya sa Bago City, Negros Occidental, Martes ng hapon, ayon sa pulisya. Nagtamo ng “minor injuries” at dumanas ng pamamanhid sa iba-ibang bahagi ng katawan sina Mary Ann Bernasol, 29; Jelie Belen, 17; Rosie Chu, 42; Maricar Amar, 17; […]
ARESTADO ang isang lalaki nang makuhaan ng P2 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa raid sa Lipa City, Batangas, Lunes ng umaga. Naaresto si Marcial Orbigoso, isang dating big time supplier ng droga sa Makati City at ilang beses nang nakulong para sa iba-ibang kaso, sabi ni Chief Supt. Guillermo Eleazar, direktor ng Calabarzon regional […]
PINALAYA ng mga kasapi ng Abu Sayyaf ang isang engineer ng Department of Public Works and Highways sa Patikul, Sulu, Lunes, matapos ang mahigit tatlong buwan niyang pagkakabihag. Pinawalan si Engr. Enrico Nee, ng DPWH Autonomous Region in Muslim Mindanao-District 1, ng mga kidnaper sa isang bahagi ng Brgy. Latih, dakong alas-8 ng umaga, sabi […]
DALAWANG lalaki ang nasawi at dalawa pang tao ang nasugatan sa magkahiwalay na insidente ng pagtama ng kidlat, sa Pangasinan at La Union nitong Linggo. Nasawi si Jonaly Damalen, 25, nang tamaan ng kidlat habang nagpapakain ng bangus sa fish cage ng isang farm sa Brgy. Baybay Norte, bayan ng Sual, dakong alas-5 ng hapon, […]
NASAWI ang isang ginang at malubhang nasugatan ang kanyang anak na dalagita nang pagtatagain ng kanyang mister, sa kanilang bahay sa Villaverde, Nueva Vizcaya, nitong Huwebes. Patay din ang suspek na si Romulo Paculla, 55, isang matadero, nang paputukan ng mga rumespondeng alagad ng batas, ayon sa ulat ng Cagayan Valley regional police. Naganap ang […]
NASAWI ang isang lalaki at binatilyo nang makuryente habang namimitas ng santol sa taas ng isang traktora, sa Kabankalan City, Negros Occidental, Miyerkules ng hapon. Dead on arrival sa ospital ang driver ng traktora na si Teopilo Teves, 58, at kasama niyang si Reniel Ambong, 15, ayon sa ulat ng Negros occidental provincial police. Naganap […]
ARESTADO ang isang pulis na nag-AWOL at isang babae nang makuhaan ng hinihinaalang shabu at drug paraphernalia sa buy-bust operation sa San Jose, Occidental Mindoro, Miyerkules ng gabi. Nadakip si PO3 Armando Viana Jr., nakatalaga sa San Jose Police, at si Desiree Acong, 28, residente ng Malabon City, sabi ni Supt. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng […]
ANIM na miyembro ng pamilya, kabilang ang apat na bata, ang nasawi at dalawa pa ang nasugatan nang masunog ang isang apartment sa Parañaque City, Miyerkules ng gabi. Nasawi sina Marie Joy de Jesus, 28, mga anak niyang sina Jomarie, 7, at Daniel, 9; pinsan niyang si Ana Donna Agrasada, 23; at mga anak nitong […]