DINAKIP ng mga tauhan ng Navy ang 20 na Vietnamese nang mahuli ang mga banyagang iligal na nangingisda malapit sa Balabac, Palawan, ayon sa mga otoridad.
Ayon kay Capt. Cherryl Tindog, tagapagsalita ng Armed Forces Western Command, naharang ng Navy vessel PC-375 ang dalawang banyagang bangkang pangisda sa bahagi ng dagat na malapit sa Mangsee Island noong Sabado.
May sakay na tig-10 Vietnamese crew ang dalawang bangka, na nakuhaan din ng 54 pating at pagi, aniya.
“Our Navy vessel escorted them to Puerto Princesa where they were turned over to proper agencies for disposition. We also did a medical check-up on them… Yesterday afternoon, they were turned over to the provincial prosecutor for inquest,” ani Tindog.
Nasa kostudiya na rin ng mga awtoridad ang dalawang bangka, na may mga markang SBF34 at SBF18.
Una dito, kinilala ng pulisya ang mga sakay ng SBF18 bilang sina Tran Hong Vu, 42, kapitan ng bangka; mechanic niyang si Nguyen Van Hoang, 36; at iba pang crew na sina Vo Minh Hieu, 21; Vo Thanh Dam, 25; Nguyen Thanh Xuan, 28; Vo Minh Thong, 21; Chau Nhat Hao, 20; Nguyen Tan Khai, 32; at Nguyen Minh Hhy, 22.
Hawak naman ng Navy ang bangka, na may markang SBF18, aniya.
Hinarang ng Navy vessel BRP Carlos Lambert ang bangka pasado alas-11 ng umaga Sabado, sabi ni Supt. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng MIMAROPA regional police.
Kinumpiska ang ice machine, radyo, battery charger, generator set, at lambat na natagpuan sa bangka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending