Matadero nag-amok: misis, anak kinatay; suspek patay sa pulis | Bandera

Matadero nag-amok: misis, anak kinatay; suspek patay sa pulis

John Roson - May 18, 2018 - 05:31 PM

NASAWI ang isang ginang at malubhang nasugatan ang kanyang anak na dalagita nang pagtatagain ng kanyang mister, sa kanilang bahay sa Villaverde, Nueva Vizcaya, nitong Huwebes.

Patay din ang suspek na si Romulo Paculla, 55, isang matadero, nang paputukan ng mga rumespondeng alagad ng batas, ayon sa ulat ng Cagayan Valley regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-4:20 ng umaga, sa bahay ng pamilya Paculla sa Sitio Bulan, Brgy. Sawmill.

Nagtungo ang mga pulis doon nang makatanggap ng tawag mula sa isang kapatid ni Romulo na nagsabing may gulong nagaganap sa bahay ng lalaki.

Sa pagdating ng mga pulis, napag-alamang nagkulong sa bahay si Romulo kasama ang misis na si Theresita at ang 13-anyos nilang anak.

Bago iyo’y nadinig pa umano ang ginang na humihingi ng saklolo.

Sinubukang palabasin ng mga pulis si Romulo pero nang di ito tumalima’y napilitan silang buksan ang bintana, hanggang sa makitang may mga taga at nakahandusay na si Theresita.

Sa yugtong iyo’y sinubukang lumabas ng dalagitang anak nina Romulo, ngunit maging siya’y pinagtataga sa ulo, leeg, at mga braso ng lalaki, ayon sa ulat.

Dahil doo’y pinaputukan ni PO2 Richard Tutaan si Romulo gamit ang kanyang M16 rifle.
Kapwa idineklarang patay ng municipal health officer sa crime scene sina Theresita at Romulo, habang ang dalagita’y itinakbo sa pagamutan.

Narekober sa pinangyarihan ang dalawang itak na kapwa may bakas ng dugo, dalawang basyo ng M16 rifle, at tatlong bote ng gin.

Naniniwala ang municipal health officer na may problema sa pag-iisip ang suspek, ayon sa pulisya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending