John Roson Archives | Page 43 of 149 | Bandera

John Roson Archives | Page 43 of 149 | Bandera

VCM nagloko sa Bontoc, Southern Leyte

PANSAMANTALANG naantala ang botohan sa ilang bahagi ng Bontoc, Southern Leyte, nang magloko ang ilang vote counting machine (VCM). Nag-“malfunction” ang dalawang unit ng VCM sa presinto ng Brgys. Hilaan at Buenavista, dakong alas-11 ng umaga, ayon sa pulisya. Pinalitan ni election officer Laurence Irman Gelsano ang mga naturang makina. 

5 nangampanya malapit sa presinto dakip

LIMA katao ang dinakip nang mamahagi ng campaign materials malapit sa presinto habang nagsisimula ang botohan sa Lipa City, Batangas. Nakilala ang lima bilang sina Julian Rodel Laygo, 58; Dolores Soriano, 45; Gregorio Caguitla, 41; Diane dela Rosa, 23; at Marivic Contreras, 33, ayon sa pulisya. Namahagi umano sila ng campaign materials sa loob ng […]

Bus, trak nagsalpukan: 3 patay, 70 sugatan

TATLO katao ang nasawi at mahigit 70 pa ang nasugatan nang magsalpukan ang pampasaherong bus at trak sa Atimonan, Quezon, Lunes ng gabi. Dead on the spot ang truck driver na si Benedict Belencio, 29; pahinante niyang si Michael Sy, 28; at isang pasahero ng AMV Travel and Tours bus, ayon sa ulat ng Quezon […]

Reelectionist mayor, vice mayor candidate nakaligtas sa ambush

TINAMBANGAN ng mga armado ang reelectionist mayor of Garchitorena, Camarines Sur, kanyang misis, running mate, at driver, Lunes ng madaling-araw, ngunit walang nasugatan, ayon sa pulisya. Inatake sina Mayor Nelson Bueza, misis niyang si Yolly, Councilor at vice mayoralty candidate Marcelo Aragdon, at driver Errol Arcilla sa bahagi ng Fuentebella Highway sa Brgy. Toytoy, dakong […]

10 ‘vote buyer’ dakip

ARESTADO ang 10 katao na diumano’y bumibili ng boto, habang halos P160,000 cash at sari-saring election paraphernalia ang nasamsam, sa Bacoor City, Cavite, Sabado ng gabi. Kabilang sa mga naaresto ang isang Teresita Marjes, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Isinagawa ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group t Provincial Intelligence […]

Bus sumalpok, tumagilid; 16 sugatan

LABING-ANIM katao ang sugatan nang sumalpok sa gilid ng bundok at tumagilid ang sinakyan nilang bus, sa Atok, Benguet, Miyerkules ng hapon. Nilapatan ng paunang lunas at itinakbo sa ospital ng mga rescuer at napadaang motorista ang 16, na kinabibilangan ng mga senior citizen na edad 61, 81, at 95, at mga batang 8-anyos at […]

‘Military asset’ tinodas

PATAY ang isa umanong asset ng militar nang pagbabarilin ng mga hinihinalang kasapi ng New People’s Army sa Bulusan, Sorsogon. Itinakbo pa sa pagamutan si Dennis Espano, 28, ngunit binawian ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa katawan, ayon sa ulat ng Sorsogon provincial police. Naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon Lunes, […]

Updated: Trak umararo sa 11 sasakyan: 1 patay, 21 sugatan

ISANG babae ang nasawi at di bababa sa 21 katao ang nasugatan nang araruhin ng trak ang ilang sasakyan at pedestrian sa Camrona, Cavite, Lunes ng umaga. Binawian ng buhay si Jennifer Castillon habang nilulunasan sa isang ospital sa Biñan City, Laguna, sabi ni Patrolman Emerson Busto, imbestigador ng Carmona Police, nang kapanayamin sa telepono. […]

Trak umararo sa mga sasakyan: 21 sugatan

AABOT 21 katao ang nasugatan nang araruhin ng trak ang ilang sasakyan sa Camrona, Cavite, Lunes ng umaga. Bukod sa mga sugatan, 11 sasakyan ang napinsala, kabilang ang isang patrol car, ayon sa inisyal na ulat ng Cavite provincial police. Naganap ang insidente sa kahabaan ng Governor’s Drive, Brgy. Mabuhay, dakong alas-10. Minamaneho ni Ronnie […]

Automotive company exec, 2 pa patay sa chopper crash

NASAWI ang founding chairman at chief executive officer ng malaking automotive company, kanyang bodyguard, at piloto nang bumagsak ang sinakyan nilang helicopter sa Malolos City, Bulacan, Huwebes. Nakilala ang mga nasawi bilang sina Liberato “Levy” Laus, chairman at CEO ng Laus Group of Companies; bodyguard niyang si Wilfran Esteban; at pilotong si Capt. Everett Coronel. […]

Jeepney sumalpok; 4 patay, 24 sugatan

APAT katao ang nasawi at 24 pa ang nasugatan nang sumalpok sa concrete marker ang sinakyan nilang jeepney, sa Baguio City, Martes. Dead on the spot ang mga pasaherong sina Elizabeth Panes, 54; Richelda Abigar, 47; at Julia Labi, ayon sa ulat ng Cordillera regional police. Naitakbo pa sa pagamutan ang pasahero ding si Adelina […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending