Bus, trak nagsalpukan: 3 patay, 70 sugatan | Bandera

Bus, trak nagsalpukan: 3 patay, 70 sugatan

John Roson - May 07, 2019 - 02:55 PM

TATLO katao ang nasawi at mahigit 70 pa ang nasugatan nang magsalpukan ang pampasaherong bus at trak sa Atimonan, Quezon, Lunes ng gabi.

Dead on the spot ang truck driver na si Benedict Belencio, 29; pahinante niyang si Michael Sy, 28; at isang pasahero ng AMV Travel and Tours bus, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Dinala sa mga lokal na ospital ang bus driver na si Maximo Leoriego, 61; di bababa sa 66 pa niyang pasahero, na kinabibilangan ng 10 menor de edad; at si Genjaquit Perez, 32, isa pang pahinante ng trak.

Kinailangang ilipat ang ilan sa kanila sa isa pang pagamutan sa Lucena City dahil sa tinamong matinding pinsala, ayon sa ulat.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Atimonan Police chief Maj. Michael Encio na 77 katao ang nasugatan at ang nasawing pasahero ng bus ay nakilala bilang si Pio Jay del Monte.

Naganap ang insidente dakong alas-6, sa bahagi ng diversion road na skop ng Brgy. Santa Catalina.

Minamaneho ni Leoriego ang bus (body no. 8025) mula Maynila patungong Bicol, at sumalpok sa Isuzu wing van (AAQ-8534) na dala ni Belencio habang binabagtas ang pababang bahagi ng kalsada.

Lumabas sa imbestigasyon na inunahan ng bus ang iba pang sasakyan bago nasalpok ang trak, ayon sa ulat.

Sa panayam, sinabi ni Encio na tila nagloko pa ang preno ng bus.

“May kalumaan na rin po ‘yung bus at overloaded, mahigit 80 ang pasahero,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nasa kostudiya na ang bus driver para sa pagsasampa ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injury, at damage to property.

Ang AMV Travel and Tours ay ino-operate ng Elavil, isang transport company na may-ari ng ilang bus na nasangkot sa mga nakamamatay na aksidente nitong nakalipas na ilang taon. (John Roson)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending