Updated: Trak umararo sa 11 sasakyan: 1 patay, 21 sugatan
ISANG babae ang nasawi at di bababa sa 21 katao ang nasugatan nang araruhin ng trak ang ilang sasakyan at pedestrian sa Camrona, Cavite, Lunes ng umaga.
Binawian ng buhay si Jennifer Castillon habang nilulunasan sa isang ospital sa Biñan City, Laguna, sabi ni Patrolman Emerson Busto, imbestigador ng Carmona Police, nang kapanayamin sa telepono.
Bukod sa nasawi’t mga sugatan, 11 sasakyan ang napinsala, kabilang ang isang patrol car, ayon sa ulat ng Cavite provincial police.
Naganap ang insidente sa kahabaan ng Governor’s Drive, Brgy. Mabuhay, dakong alas-10.
Minamaneho ni Ronnie Obrique, ng Quezon City, ang 8-wheeler truck (WMS-400) patingong Biñan, nang bigla umanong magloko ang preno.
Dahil dito’y naararo ng trak ang ibang sasakyan, pati ang isang grupo ng mga taong nag-aabang ng masasakyan, ani Busto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.