Jeepney sumalpok; 4 patay, 24 sugatan

By John Roson April 24,2019
share this

Jeepney sumalpok; 4 patay, 24 sugatan

By John Roson April 24,2019
share this

APAT katao ang nasawi at 24 pa ang nasugatan nang sumalpok sa concrete marker ang sinakyan nilang jeepney, sa Baguio City, Martes.

Dead on the spot ang mga pasaherong sina Elizabeth Panes, 54; Richelda Abigar, 47; at Julia Labi, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.

Naitakbo pa sa pagamutan ang pasahero ding si Adelina Agsaway, 68, ngunit binawian ng buhay dahil sa matinding pinsalang tinamo.

Kabilang sa mga sugatan ang driver na si Leander Vergara, at di bababa sa pitong menor de edad.

Naganap ang insidente dakong alas-9:45 ng umaga, sa Circumferential Road, Brgy. Asin.

Minamaneho noon ni Vergara ang jeepney mula sa Ben Palispis Highway, patungo sa direksyon ng San Carlos Heights.

Habang binabagtas ng jeep ang pababang bahagi ng Circumferential Road, nagloko umano ang preno kaya nagtuluy-tuloy ito sa paglusong hanggang sa lumipat sa kabilang lane at sumalpok sa concrete marker ng Sta. Lucia Realty Corp.

Matapos iyo’y nahulog pa ang sasakyan sa gilid ng riprap at bumagsak nang patagilid, ayon sa ulat.  

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending