John Roson Archives | Page 23 of 149 | Bandera

John Roson Archives | Page 23 of 149 | Bandera

Barko lumubog: 4 nasagip, 1 nawawala

APAT na tripulante ang nasagip habang nawawala ang kanilang kapitan matapos umanong lumubog ang kanilang barko sa bahagi ng dagat na malapit sa Batanes, ayon sa pulisya. Nakilala ang mga nasagip bilang sina Rene Fernadez, 58, ng Quezon City; Ryan Parungaw, 27, ng Sta. Lucia, Ilocos Sur; Raymund Cotiangco, 33, ng Guiguinto, Bulacan, at Arnold […]

9 rebelde sumurender; 15 baril, mga pampasabog sinuko

TATLONG regular na miymebro ng New People’s Army at siyam na kasapi ng Militia ng Bayan ang sumuko sa mga tropa ng pamahalaan at nagsuko ng 15 baril at mga pampasabog, sa San Mariano, Isabela. Ang tatlong kasapi ng NPA, na kinilala lang sa mga alyas na “Papi,” “Daryl,” at “Kolikot,” ay pawang mga miyembro […]

Lalaki pinatay sa harap ng pamilya

NASAWI ang isang lalaki nang barilin sa harap ng kanyang pamilya, sa San Pablo, Isabela, Miyerkules ng gabi. Agad ikinasawi ni Wensley Eugenio, 55, ang tama ng bala sa likod, ayon sa ulat ng Isabela provincial police. Naganap ang insidente dakong alas-8:30, sa Brgy. Limbauan. Naglalakad pauwi si Eugenio, kanyang misis, at kanilang mga anak, […]

Dalagita nakuryente sa Christmas light ng park

NASAWI ang 14-anyos na dalagita matapos na makuryente sa Christmas light ng isang liwasan sa Mulanay, Quezon, Miyerkules ng gabi. Itinakbo pa si Priscila Sabid Peñaflor sa Catanauan District Hospital, ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Quezon provincial police. Naganap ang insidente dakong alas-8:50 sa Tao Park, na nasa Brgy. Poblacion […]

Van nasalpok ng tren: 16 sugatan

LABING-ANIM katao ang nasugatan nang masalpok ng tren ang isang pampasaherong van sa Libmanan, Camarines Sur, Miyerkules ng tanghali. Sugatan ang van driver na si Danilo Del Mundo Diokno at 15 niyang pasahero, sabi ni Maj. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police. Naganap ang insidente sa railroad crossing na nasa barangay road ng […]

Negosyante pisak sa bus

PATAY ang isang negosyante nang mabundol ng pampasaherong bus sa bahagi ng Maharlika Highway na sakop ng Lopez, Quezon, Miyerkules ng madaling-araw. Agad ikinasawi ni Angelito Lopez, 46, ang pinsala sa ulo, ayon sa ulat ng Quezon provincial police. Naganap ang insidente sa bahagi ng highwaay na nasa Brgy. Bebito, dakong alas-12:30. Tumatawid sa kalsada […]

Lolo pisak sa bus

PATAY ang isang 76-anyos na lalaki nang masalpok ng pampasaherong bus ang sinakyan niyang motorsiklo, sa Lucena City, Quezon, Lunes. Agad ikinasawi ni Pedrito Ranillo ang matinding pinsala sa ulo, ayon sa ulat ng Quezon provincial police. Naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga, sa bahagi ng Diversion Road na sakop ng Brgy. Kanlurang Mayao. […]

11 patay, 20 sugatan sa aksidente sa Rizal, Cavite

PATAY ang 11 katao, samantalang mahigit 20 ang sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa Cardona, Rizal, at Mendez, Cavite, Martes ng umaga. Sa Cardona, siyam ang patay matapos araruhin ng dalawang trak ang isang jeepney sa kahabaan ng National Road sa Brgy. Looc, bago mag-alas-6 ng umaga, ayon kay Col. Renato Alba, Rizal provincial police […]

Mga sasakyan inararo ng pick-up: 3 patay, 7 sugatan

TATLO katao ang nasawi at pito pa ang nasugatan nang araruhin ng pick-up ang pitong sasakyan sa Bocaue, Bulacan, Lunes ng tanghali, ayon sa pulisya. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawi at nasugatan, ayon sa ulat ng Bulacan provincial police. Sa mga sugatan, dalawa ang kritikal ang kondisyon, ayon naman sa Bocaue Municipal Disaster […]

Mag-utol nilamon ng ilog

NALUNOD ang 15-anyos na binatilyo at nawawala ang kanyang kuya matapos umanong maanod habang tumatawid sa ilog, sa Mauban, Quezon, nitong Linggo. Dinala pa sa pagamutan si Billy Regalario matapos marekober, ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Quezon provincial police. Pinaghahanap pa ng pulisya at mga tauhan ng Municipal Disaster Risk […]

5 patay, 12 pa sugatan sa salpukan ng bus at trak sa Quezon

LIMA katao ang nasawi habang di bababa sa 12 ang nasugatan nang magsalpukan ang isang pampasaherong bus at trak sa matarik at liku-likong bahagi ng Diversion Road sa Pagbilao, Quezon, Sabado ng hapon. Di pa matiyak ang pagkakakilanlan ng lima, na binubuo ng dalawang lalaki’t dalawang babaeng mga nasa wastong gulang at isang menor de […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending