PATAY ang isang negosyante nang mabundol ng pampasaherong bus sa bahagi ng Maharlika Highway na sakop ng Lopez, Quezon, Miyerkules ng madaling-araw.
Agad ikinasawi ni Angelito Lopez, 46, ang pinsala sa ulo, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.
Naganap ang insidente sa bahagi ng highwaay na nasa Brgy. Bebito, dakong alas-12:30.
Tumatawid sa kalsada si Lopez nang mabundol ng bus (NCF-1358) na noo’y minamaneho ni Joselito Balitian, 44, patungong Maynila, ayon sa pulisya.
Nasa kostudiya ng lokal na pulisya ang bus driver para sa karagdagang imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng kaso. (John Roson)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.