PATAY ang isang 76-anyos na lalaki nang masalpok ng pampasaherong bus ang sinakyan niyang motorsiklo, sa Lucena City, Quezon, Lunes.
Agad ikinasawi ni Pedrito Ranillo ang matinding pinsala sa ulo, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.
Naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga, sa bahagi ng Diversion Road na sakop ng Brgy. Kanlurang Mayao.
Bago ito, nagmotor si Ranillo sa loob ng City Government Complex.
Nang lumabas sa Diversion Road ay nasalpok siya ng Cagsawa Bus (EVY-875) na noo’y minamaneho ni Roberto Trinidad patungong Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.