Daniel, Kathryn muling pinatunayan ang bisa ng magic sa madlang pipol | Bandera

Daniel, Kathryn muling pinatunayan ang bisa ng magic sa madlang pipol

Ervin Santiago - August 12, 2015 - 03:00 AM

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

TOTOO ba na ngayon pa lang ay nagkakaroon na ng isyu sa pagitan ni Kathryn Bernardo at ng baguhang young actress na si Sarah Carlos, ang magiging third party sa KathNiel loveteam sa seryeng Pangako Sa ‘Yo?

May mga kumakalat kasing chika na hindi raw masyadong nagpapansinan ang dalawa sa taping ng PSY na pinagbibidahan nga nina Kathryn at Daniel Padilla. Si Sarah ang gumaganap na Bea Bianca sa nasabing serye na makakaagaw ni Yna (Kathryn) kay Angelo (Daniel).

Ayon kay Kathryn, walang katotohanan ang nasabing tsismis, sa katunayan, naging maayos ang unang eksena nila ni Sarah together.

“Okay naman siya and gina-guide namin siya lahat kasi first time niya mag-taping so medyo naninibago pa siya. Pero open kasi si Sarah sa mga ano eh, sa mga bagay. Tinuturuan siya nina direk Cathy (Garcia-Molina) at direk Richard (Arellano) ganyan. So okay siya. Nakikita mo na na-excite siya sa taping and natutuwa siya doon sa character niya,” paliwanag ng Teen Queen.

Wala rin daw problema kay Kathryn ang mga eksena ni Sarah kung saan kailangan nitong landiin at akitin si Daniel. Trabaho lang naman daw ang ginagawa nilang lahat.

“Nakakausap ko talaga siya off-cam and parang noong unang day palang ang dami na naming chika so maganda ‘yung start namin,” chika pa ng dalaga.

Kuwento pa ni Kathryn, mas lalong magiging kapana-panabik ang susunod na episodes ng Pangako Sa ‘Yo dahil, “Nagkita na kasi sina Amor Powers at Eduardo Buenavista and ngayon naman sa love story namin ni Angelo mas nade-develop na si Yna kay Angelo and then pumasok na si Bea Bianca, nandiyan si Diego. So andyan na, dumarating na ‘yung mga characters na inaabangan din ng mga tao from original PSY.”

Samantala, tulad ng inaasahan namin, dumagundong na naman ang buong Trinoma noong Linggo nang hapon dahil sa pagdating nina Daniel at Kathryn sa Oishi Snacktacular 41st anniversary celebration.

Daan-daan na namang KathNiel fans ang sumugod sa nasabing event para makita up close and personal ang Teen King and Queen bilang celebrity endorsers ng Oishi. Kabilang sila sa tinatawag na “Team O” para sa Oishi Snacktacular event.
Paglabas pa lang nina Kath at DJ sa stage ay talagang mabibingi ka na sa sobrang lakas ng tilian ng audience. Pero hindi na kami na-shock dahil ilang beses na naming nasaksihan ang mga ganu’ng eksena sa mga nakaraang mall show ng dalawa. In fairness, consistent pa rin ang pagsuporta ng kanilang supporters.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending