Mark Neumann napiling makasama ni Binoe sa pelikula
May gagawing pelikula si Mark Neumann kasama ang idolo niyang si Robin Padilla. Siyempre’y walang kasingsaya ngayon ang guwapong young actor na bumibida sa Baker King ng TV5.
Malaking kaligayahan na nga naman para sa kanya ang malaman na sinusuportahan ng ating mga kababayan ang kanyang seryeng hinango sa isang Koreanovela, magkakaroon pa siya ng pelikula kasama si Robin Padilla, masayang-masaya ang young actor sa mga nangyayari ngayon sa buhay at career niya.
Nakakatuwa ang bagets na ito. Bago niya gastusin ang kinikita niya para sa kanyang pangsariling kapakanan ay inuuna niya munang intindihin ang estado ng kanyang pamilya na nasa Germany ngayon.
“Napakaresponsableng bata. Kung tutuusin, e, hindi niya naman kailangang problemahin ang pamilya nila, pero naturalesa na niya ang pagiging mabait na anak at kapatid, nagpapadala pa rin siya sa Germany ng kinikita niya sa pag-aartista.
“Hindi naman ‘yun sapilitan, gusto lang siguro niyang matikman ng family niya ang pinaghihirapan niya dito sa Pilipinas,” kuwento ng aming kausap na malapit sa guwapong aktor.
Sa Baker King ay kuhang-kuha niya ang simpatya ng publiko bilang isang anak-mayaman na nagtatrabaho sa isang bakery.
Palalim na nang pala- lim ang kuwento ng unang Filipino adaptation ng nasabing Koreanovela, si Mark Neumann ang sentrong karakter ng istorya, kasama ang magagaling na artistang tulad nina Raymond Bagatsing, Yul Servo, Jackie-Lou Blanco, Diana Zubiri, Ms. Boots Anson-Roa at Joonee Gamboa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.