Sa pagnenegosyo susuwertehin (2)
Sulat mula kay Fidel ng St, Francis Village, Bagbag, Lapu-Lapu City,
Problema:
1. Tapos ako ng Marine Transportation kaya lang hindi ko nagamit ang natapos kong kurso gawa ng nakapagtrabaho agad ako sa isang iron works company at sa ngayon ay kabisado ko na ang pasikot-sikot dito kasi pinagkatiwalaan ako ng aking amo. Balak ko sanang magnegosyo, kaya lang wala pa akong malaki-laking puhunan sa ngayon.
2. Pero bigla naman dumating yong kumpare kong nag-seaman at opisyal na siya ngayon sa barko. Inaaya niya ako na mag-barko, kaya naisipan kong sumulat sa inyo upang itanong kung saan ba ako dapat mag concentrate sa pagnenegosyo o mas magandang sumampa na lang ako sa barko? Sana maituro mo sa akin Sir Greenfield kung saan ako higit na papalarin, sa pagnenegosyo ba o sa pagbabatrko? January 17, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Fidel ng Lapu-Lapu City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ay nagsasabing sa produktong matitigas tulad nga ng bakal, welding shop, tornohan ng bakal at iba pang kauri nito, doon ka yayaman at aasenso at pag dating ng araw daig mo pa ang nakapag-abroad.
Numerology:
Ang birth date mong 17 ay nagsasabing sa umpisa ng pagtatayo ng negosyo ay sadyang mahirap, ngunit basta natuto kang magtiis-tiis lang at konting sakripisyo makikita mo pagsapit mo ng edad mong 46 pataas, magugulat pa sila sa iyo, tulad ng nasabi na. sa paramhin ng asset at palakihan ng market ng negosyo daig mo pa ang nakapag-abroad.
Luscher Color Test:
Mapalad ka naman sa kulay na berde at ito ang dapat mong gamiting kulay sa itatayo mong negosyo. Sa nasabing kulay mas madali mong mahihigop ang suwerte at maraming pera sa panahong tumatakbo na ang iyong negosyong iron works.
Huling payo at paalala:
Fidel ayon sa iyong kapalaran ang dapat mong gawin sa ngayon ay hiraman ng puhunan ang kumpare mong kabababa lang ng barko na nag-aaya sa iyo para mag-seaman. Sa halip ipaliwanag mo sa kanyang sa naiisip mong negosyo, mas madali kang uunlad at yayaaman dahil ang “iron works” ang talagang “passion” mo. Kapag nagawa mo yan, nakapagsimula ka ng sariling negosyo sa susunod na taong 2016 sa buwan ng enero o kaya’y Abril, tiyak ang magaanap, lilipas ang mga ilang taon pa sa year 2025, maunald na maunlad na ang iyong negosyo, kasabay nito hindi mo rin mapapasin pang mayamang-mayaman ka na pala at kung paramihan lang ng pera sa panahong tinuran, sa edad mong 46 patas, madadaig mo pa ang kumpare mong nagsi-seaman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.