Janice: Wala kaming away ni Priscilla!
WALANG isyu sina Janice de Belen at ang misis ni John Estrada na si Priscilla Mereilles. Kaya naman pumayag ang ex-wife ni John na magkatrabaho sila ng present misis nito.
“Hindi naman kami magkagalit ni Priscilla,” ang chika ni Janice na ang tinutukoy nga ay ang bagong project niya sa ABS-CBN na Be My Lady.
Ito’y pagbibidahan ng real-life celebrity couple na sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga. Gaganap si Priscilla bilang kapatid ni Daniel sa serye habang si Janice naman ang magiging nanay ni Erich.
“I don’t think she was immediately part of the cast when they told me about the show,” sabi pa ni Janice sa Kris TV kahapon.
Kuwento pa ng aktres, tinanong daw muna siya ng kanyang manager kung okay lang sa kanya na makatrabaho si Priscilla, “And I said ‘oo.’ There’s really no problem.
There’s no issue. Hindi naman kami magkagalit ni Priscilla.” Payag din daw siyang makasama sa serye o pelikula ang isa pang ex ni John na si Vanessa del Bianco, “I probably would say yes to working with her.
Why? Kasi tapos na. I mean so much time has passed, everything has been forgiven. “Kumbaga para sa akin you need to close books, you need to finish all these things to be able to actually move on para tapos na.
Hindi mo na kailangan ng extra baggage in your life, hindi ba?” aniya pa. Hirit pa ni Janice, “Although ang magiging problema diyan siguro hindi kaming dalawa o hindi ako.
Magiging problema are the people around. Everybody will ask you about it. Saka if I weren’t ready for that, I wouldn’t have accepted it.”
Okey na rin daw sila ngayon ni John, “Well we encountered some difficulties with Ina, nagkaroon kami ng difficulties because of the things she wants to do in her life so we needed to talk so nag-usap na kami, okay na.”
Dagdag pa niya, “When we talk seriously I brought up the issues that needed to be brought up, needed to be talk about.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.