Nalason sa pancit malabon umabot na sa 44 | Bandera

Nalason sa pancit malabon umabot na sa 44

- August 04, 2015 - 05:43 PM

pancit
UMABOT na sa 44 katao ang nalason matapos kumain ng pancit malabon sa Ligao City, Albay.

Sinabi ni Dr. Nathaniel Rempillo, Albay provincial health officer na karamihan sa mga na-food poison ay dumalo sa isang birthday party.
Idinagdag ni Rempillo na nabili naman ng iba pang biktima ang sirang pansit sa kaparehong tindahan na AC Take Out na matatagpuan sa Barangay Calsada.

“All of the patients (from one year old to 88 years old) are safe, but need proper medication for their fast recovery,” sabi ni Rempillo.

Sinabi naman ni to city Health officer Dr. Wynns Samar na base sa inisyal na imbestigasyon tinatayang apat na katao ang bumili ng pancit malabon mula sa AC Take Out sa pagitan ng alas-12 ng tanghali hanggang alas-4 ng hapon.
Idinagdag ni Samar na karamihan ng mga biktima ay isinugod sa Josefina Belmonte Memorial District Hospital (JBMDH) samantalang itinakbo naman ang iba pa sa Garcia Hospital.

Sinabi pa Samar na iniimbestigahan pa nila kung ano ang naging sanhi ng food poisoning.

Aniya, dinala na ang mga ginawang laboratory examination sa mga biktima sa Department of Health (DOH) regional office na nakabase sa Legazpi City.

Kahapon, tinatayang 18 pasyente pa ang nananatili sa JBDH at isinasailalim sa mga pagsusuri.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending