Mga taong nagtangkang wasakin ang relasyon nina Juday at Ryan sablay | Bandera

Mga taong nagtangkang wasakin ang relasyon nina Juday at Ryan sablay

Ervin Santiago - August 03, 2015 - 02:00 AM

judy ann santos

SIGURADONG maraming naiinggit na female stars sa Teleserye Queen na si Judy Ann Santos. E, kasi nga, halos nasa kanya na lahat ng swerte: maayos na pamilya, mabuti at responsableng asawa, at kahit buntis na ay kaliwa’t kanan pa rin ang proyekto, lalo na sa mga TV commercial at print ads.

Ano pa nga ba ang mahihiling ni Juday sa buhay, parang halos lahat na ay nasa kanya. In fairness, mabuting tao naman kasi ang misis ni Ryan kaya good karma siya lagi.

Hindi tulad ng iba diyan na minamalas ang buhay dahil ang sasama ng ugali. Tsaka pansinin n’yo, wala na ring mga negang balita about Ryan, hindi ba noong nakaraang taon, natsismis na on the rocks na raw ang relasyon ng mag-asawa dahil babaero raw si Ryan? Pero kalaunan ay namatay na rin ang isyu dahil nga wala naman itong bahid ng katotohanan.

Ilang beses na ring sinabi ni Juday na secured siya sa pagmamahal ni Ryan sa kanya kaya hindi sila masyadong affected sa mga ganitong uri ng mga tsismis.

Ibig sabihin hindi nagtagumpay ang mga taong nagtangkang wasakin ang relasyon ng mag-asawa. Actually, dahil sa pagiging role model ng pamilya nina Ryan at Juday kaya marami silang endorsements, idagdag pa ang pagkuha sa kanila ng MTRCB para maging modelo ng responsableng panonood sa telebisyon.

Samantala, isa na nga si Juday sa masasabing pinaka- pinagkakatiwalaan ng mga advertisers bilang celebrity endorser. Lumelebel na siya sa mga top endorser ng bansa tulad nina Kris Aquino, Anne Curtis at Daniel Padilla.

In fairness, halos lahat ng ineendorso ng TV host-actress ay nagre-renew lahat, ganu’n siya ka-effective na brand ambassador. Tulad na lang ng RiteMed na dalawang taon na niyang kapamilya.

Ayon sa misis ni Ryan, hindi lang siya basta endorser nito, ang talagang nagustuhan niya sa RiteMed ay ang pagbibigay sa kanya ng pagkakataong makagawa ng pagbabago sa buhay ng kapwa Pilipino.

“Yung RiteMed products, talagang ginagamit namin sa bahay. I only endorse brands that I believe in. Kaya sa usapin ng kalusugan at kapakanan ng family, dapat mas cautious and careful tayo with our choices,” ayon kay Juday.

Hindi kasi siya yung tipo ng artista na tanggap lang nang tanggap ng endorsement, sa lahat kasi ang ayaw niya ay ang lokohin ang publiko.

Tunay na isinasapuso ng aktres, na ngayon ay nag-eexpect ng kaniyang pangatlong anak, ang mensahe ng kaniyang pinakabagong commercial sa RiteMed — “Maging Ligtas sa Duda”. Bilang family woman, hindi binabalewala ni Juday ang paninigurado sa kaligtasan ng kalusugan ng mga anak niya at ng kaniyang asawa.

Mula sa mga inihahanda niyang pagkain hanggang sa mga gamot o vitamins na pinapainom sa kanila, maingat si Juday sa kanyang pinipili. Gaya ng binanggit niya sa TV commercial, dapat bigyang pansin ang kahit kaun- ting duda, para maiwasan ang pagkabahala at mga panganib na maaaring mangyari.

Bilang asawa, ina, at chef, kalidad at kaligtasan ang itinataguyod ni Juday. “Ang high quality, hindi nito kailangang maging mahal. It can be affordable.

Ang importante, healthy at safe ang products for my family. Madalas kung ano pa ang mura, yun pa ang mas effective. Gaya na lang sa pagluluto.

You can substitute expensive ingredients with affordable, pero healthy at high quality din,” dagdag ng Pinoy Soap Opera Queen.

Kamakailan lang ay ni-launch din ang kanyang cookbook, ang Judy Ann’s Kitchen, na naglalaman ng mga paborito niyang recipes (mula comfort food hanggang sa mga snacks para sa mga bata).

Ayon sa kanya, conscious effort ang gawing simple ang mga ito para hindi magmukhang mamahaling gourmet cuisine. “Ayokong ma-intimidate ang mga tao eh.

Gusto ko, easy-to-do ang recipes, so anyone can try it,” sabi ni Chef Judy Ann.  Maaaring may kasunod ang kanyang cookbook. At ayon sa kanya ito ay magiging tungkol sa healthy cooking and eating.

Dagdag pa ni Judy Ann, mas naging conscious sila ni Ryan sa pagsasabuhay ng isang healthy and active lifestyle.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpapasalamat din si Juday sa RiteMed sa pagsuporta sa kanyang cookbook project, “I am just so happy that I found a company that takes care of my needs just like a family.

I am thankful to be part of their family. They are very supportive. Madaling kausap.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending