Cignal HD Spikers B, Foton Hurricane pasok sa semis | Bandera

Cignal HD Spikers B, Foton Hurricane pasok sa semis

Mike Lee - August 02, 2015 - 01:00 AM

NAGSIPANALO ang Cignal HD Spikers B at Foton Hurricane para umabante sa semifinals sa PLDT Home Ultera-Philippine SuperLiga Beach Volleyball Challenge Cup na handog din ng Smart Live More kahapon sa Sands By The Bay sa Mall of Asia, Pasay City.

Hindi nagpaapekto sina Wensh Tiu at April Ross Hingpit sa pagbuhos ng malakas na ulan dahilan upang matigil ang laro sa loob ng 20 minuto para kunin ng HD Spikers B ang 21-14, 21-18 panalo kina Jusabelle Brillo at Jem Gutierrez ng Meralco.

“Masakit sa mata ang ulan pero sinabi ko lang kay Wensh na sikapin namin na kapitan ang kalamangan namin,” wika ni Hingpit.

Nagpakitang-gilas din sina Bea Tan at Pau Soriano ng Hurricane nang ilabas pa ang tikas ng laro sa ikatlong set para angkinin ang 21-12, 18-21, 15-7 panalo kina Gretchen Ho at Charo Soriano ng Petron XCS sa quarterfinals sa ligang inorganisa ng Sports Core katuwang ang Accel, Sands By The Bay at Maynilad.

Ang semifinals ay gagawin kagabi at kalaro ng HD Spikers B ang mananalo sa pagitan ng Amy’s at Gilligan’s habang kasukatan para sa puwesto sa finals na paglalabanan sa susunod na linggo ng Hurricane ay ang mananalo sa pagitan ng Foton Tornadoes at Philips Gold.

Samantala, ang SM By The Bay A at Champion Infinity B ang maglalaban sa titulo sa kalalakihan nang daigin ang mga nakatapat sa semifinals.

Binuo nina Jade Becaldo at Hachaliah Gilbuena, nanalo ang SM By The Bay A sa Centerstage, 21-13, 21-16, habang ang Champion Infinity B ay bumangon sa first set pagkatalo tungo sa 21-23, 22-20, 15-10 tagumpay sa Cignal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending