Blind item: Sexy actress napilitang magbenta ng katawan para sa adik na nanay | Bandera

Blind item: Sexy actress napilitang magbenta ng katawan para sa adik na nanay

Cristy Fermin |July 31,2015
facebook
share this

Blind item: Sexy actress napilitang magbenta ng katawan para sa adik na nanay

Cristy Fermin - July 31, 2015 - 07:20 PM

KUNG ang mga kaibigan at kamag-anak ng isang nagpapaseksing aktres ang tatanungin kung bakit siya pumasok sa isang sitwasyong mahirap intindihin ay isa lang ang kanilang sasabihin—kapit sa patalim.
Grabe pala ang pinagdaanan ng sexy star. Panglibro, pangtelenobela, talagang pinasan niya ang lahat ng mga problema ng kanyang pamilya nu’n.
Kuwento ng aming source, “Hindi pa kalakihan ang kinikita niya nu’n, tamang-tama lang para sa mga pangangailangan niya, pero ang dami-dami niyang problemang kailangang lutasin para sa family niya.
“Puro matitinding pagsubok ‘yun na pera lang ang makaka-solve, hindi ‘yun puwedeng daanin sa pakiusapan, kaya ang girl ang super-stressed. Siya lang ang inaasahan ng pamilya niya, walang iba, kaya kailangan niya talagang gumawa ng pera para sa mga problemang hindi naman siya ang may gawa,” simulang kuwento ng aming impormante.
Ang unang problema ng sexy star ay ang kanyang inang pasaway. Nagbibisyo ito, palaging nahuhuli ng mga otoridad, siya ang palaging tinatakbuhan ng kanyang mga kapatid para ipakiusap na tulungan ang kanilang nanay.
“Actually, sawang-sawa na si ____ (pangalan ng nagpapaseksing aktres) sa mga pinaggagagawa ng mommy niya, isinusuka na niya ‘yun, pero awang-awa naman siya sa mga kapatid niyang nakikiusap.
“So, datung na naman ang kailangan, iaayos niya na naman ang buhay ng mommy niya, kesehodang nagkakandaiyak na siya sa sobrang pagkainis! Wala siyang choice, kailangan niyang tulungan ang mommy niya, kahit man lang para sa mga nagiiyakan niyang kapatid.
“Saan siya kumukuha ng datung? Saan pa, di sa pakikipagchurcahan sa mga kalalakihang haling na haling sa kanyang katawan! Ginagawa niyang lahat ‘yun hindi para sa mga personal niyang granatsa kundi para sa mga pasaway niyang kapamilya.
“Matindi siyang magmahal ng mga kadugo niya, todo-todo siyang tumulong sa mga taong hindi iba sa kanya, todo talaga!” napapailing pang kuwento ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending