Korina Sanchez handa na sa bakbakan: Bring it on! | Bandera

Korina Sanchez handa na sa bakbakan: Bring it on!

- July 31, 2015 - 04:36 PM

Korina-Sanchez-2-0731-660x371
NAGING palaban ang asawa ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at TV broadcaster na si Korina Sanchez sa pagsasabing handa na sila na sagutin ang mga batikos laban sa kanilang mag-asawa matapos namang pormal na pag-eendorso ni Pangulong Aquino.
“Matagal na akong binabatikos. Bring it on! Handang handa na rin ako. Alam mo ang turo sa akin ni Mar kung hindi totoo, hindi didikit ‘yan ang tawag d’on Teflon effect. Lahat ng opinyon welcome kung makakabuti para sayo bakit hindi. Kung talagang papansinin mo lahat ‘yan hindi ka makakilos,” sabi ni Sanchez.
Idinagdag ni Sanchez na gaya ng kanyang asawa, hilig din niya ang pagseserbisyo sa publiko na aniya’y makakatulong sa kandidatura ng kanyang asawa.

“Charity has always been part of my life. For 30 years nakasanayan ko na ang pagtulong sa tao kasi ako gusto ko mano-mano sa mahihirap, ‘yun ang calling ko sa buhay. So du’n na ako sa frontline sa mga tao lalo na sa probinsya,” dagdag ni Korina.

Inamin naman ni Korina na kailangan niyang isakripisyo ang kanyang trabaho para sa kanyang asawa.
“I think it’s a big sacrifice that kelangan mong iwan ang karera mo. Pero alam mo nag-uulat lang kasi tayo. Bagamat napaka importante maging isang mamamahayag, malaki rin ang panawagan ng aktwal na serbisyo publiko. It’s really not about me, it’s about the bigger calling of my husband. I will always be secondary to that. Handa akong magsakripisyo para sa mas malaking adhikain kasi napakaliit ko lang eh malaki ang dapat gawin para sa bansa. Kung si Mar ang makakagawa noon, iiwan ko lahat,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending