Krisel Mallari inisyuhan na ng certificate of good moral character
INISYUHAN na ng Santo Niño Parochial School (SNPS) ng certificate of good moral character ang salutatorian nito na si Krisel S. Mallari.
Binigyan naman ng Court of Appeals (CA) ng 24 oras ang SNPS para magpaliwanag kung bakit hindi ito dapat i-contempt matapos namang maghain ng urgent motion si Mallari sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta.
Bagamat Huwebes pa nang maglabas ng sertipikasyon ang paaralan, hindi pa nito ipinapaalam sa korte ang nangyaring pagtalima sa kautusan.
“In this regard, respondents SNPS and Registrar Yolanda Casero are directed to file comment…within 24 hours from notice, taking into consideration that time is of the essence,” sabi ni Associate Justice Socorro B. Inting sa isang resolusyon na isinapubliko kahapon.
Nagbanta naman ang paaralan na magsasampa ng kontra demanda laban kay Mallari.
Noong Marso, naging viral ang video kung saan pinatigil si Mallari sa kanyang pagtatalumpati sa kanilang graduation matapos namang batikusin ang kanyang paaralan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.