Babala ni Daniel: Wag na kayong magpapa-video nang nakahubad!
NASULIT ang mahigit kumulang tatlong oras na paghihintay ng mga fans sa Trinoma Activity Center kay Daniel Padilla sa launch ng Bench Fix Styling Tools last Saturday.
Na-traffic kasi si Daniel mula sa bahay nila sa Commonwealth. As expected dumagundong ang buong area paglabas ni Daniel sa stage pagkatapos rumampa ng mahigit 40 models ng Bench.
Nakita rin namin ang happiness ng Bench owner na si Ben Chan habang pinapanood si Daniel, kahit na nga pinaghintay sila ng Teen King.
Inamin naman ni Daniel na kinabahan siya paglabas niya ng stage sa Trinoma. Hindi na raw kasi siya sanay na nagmo-mall show.
Pero masayang-masaya raw siya dahil ang daming sumusuporta sa kanya. At hindi pa rin daw nagsi-sink sa kanya na sobra na siyang sikat.
“Happy lang ako dahil syempre hindi pa ako artista clay na ng Bench ang ginagamit ko, e. Tapos just imagine biglang ngayon ikaw na ang endorser.
So, sobrang ano, ewan ko, nakakatuwa,” lahad niya. Pagkatapos ng event, nakausap nga ng press si Daniel at dito na nga siya nagpaliwanag tungkol sa larawan niyang lumabas sa isang blog site na may hawak siyang electronic cigarette habang nasa taping ng serye niya na Pangako Sa ‘Yo.
“Hindi yosi ‘yun at hindi rin ‘yun droga. Vapor po ‘yun,” diin niya. Ayaw na raw niyang mag-yosi pero hindi naman niya sinasabing dapat lahat ay tumigil na rin sa pagsisigarilyo.
Pero siguro raw tayong mga tao, e, may mga sariling buhay din. Nagbigay din siya ng opinion sa nangyayaring iskandalo sa mga kabataang artista kamakailan.
Bilang kinikilala ngayon as Teen King, siya ay maging ehemplo dapat ng mga kabataan. “Tapos na ako du’n! Nauna ako…hindi loko lang.” Ang tinutukoy ni Daniel ay ang kinasangkutan niyang audio scandal noong nakaraang taon.
“Mag-ingat po kayo. At huwag na po kayong nagpi-picture nang nakahubad,” sabi pa ni DJ. Then, when we asked him kung mahilig din ba siyang i-video lahat ng aktibidades sa buhay niya, eto ang sagot ng binata, “Bakit ako pa? Iba na lang! Ha-hahaha! Hindi wala. Hindi ko po ginagawa ‘yun.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.