PAPASOK na sa loob ng Ninoy Aquino International Aiport ang Superstar na si Nora Aunor nang datnan namin.
Iniinterbyu na siya ng iba’t ibang TV station bago pumasok sa loob at sumakay ng eroplano na magdadala sa kanya sa Venice for the 69th Venice International Film Festival kung saan makikipag-compete ang movie niya na “Thy Womb” sa direksyon ni Brillante Mendoza.
“Masaya na ako kahit walang mapanalunan,” sabi ni Nora.
First time pupunta ni Ate Guy sa Venice at pagkatapos noon ay babalik na siya sa Pilipinas.
Mukhang malabo kasi na makatuloy pa sila sa Toronto, Canada para sa isa pang international film festival since hanggang Sept. 9 sila maglalagi sa Venice.
Magsisimula ang festival sa Toronto on Sept. 9 din.
Bago umalis si Nora kasama si direk Brillante ay nabanggit na niya sa amin ang pelikulang binubuo niya na pagsasamahan ng Superstar at Batangas Gov. Vilma Santos. “Ah, hindi ko pa alam ‘yun. Basta magsabi lang sa TV5, sila ang manager ko,” pahayag ni Nora.
That day, fresh na fresh ang news na nakuha namin tungkol sa pagbabati nina Nora at ng Managing Director ng Star Cinema na si Malou Santos.
Matatandaan na naging very vocal si Nora sa tampo niya sa ABS-CBN pagbalik niya ng Pilipinas.
Kaya bago umalis ng bansa patungong Venice, agad naming kinuha ang pahayag ni Nora sa balitang pagbabati nila ni Star Cinema head.
“Ay, okey naman. Ako ang lumapit. Ha-hahaha!” paglalahad ni Nora.
Sa ABS-CBN daw sila nagkita ng Managing Director ng Star Cinema.
At ayon pa kay Nora, masaya naman daw ang feeling niya sa pagbabati nila ni Malou.
Dahil diyan, hindi na malayo na makagawa na si Nora ng kauna-unahan niyang pelikula sa Star Cinema if ever.
Feeling namin magkakaroon ng partisipasyon ang Star Cinema sa binubuong movie ni direk Brillante kasama sina Gov. Vi at Coco Martin
After all, parehong “babies” ng Star Cinema sina Gov. Vi at Coco.
Kesa sa iba pa nga naman mapunta ang proyekto, e, mas mabuti nang sa mapag-alagang kamay ng Star Cinema mabuo ang lahat, ‘di ba?
Kahapon, balitang-balita naman na pinagkaguluhan si Ate Guy sa Venice filmfest, at binigyan din daw ng standing ovation ang pelikulang “The Womb” sa gala night nito.
Sa mga social networking sites kumalat ang message na, “Thy Womb gets standing ovation at Venezia 69 premiere! Congratulations Brillante Mendoza, Nora Aunor and the whole Thy Womb delegation!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.