16 sugatan matapos magkasagupa ang mga nagpoprotesta at pulis bago ang SONA
SUGATAN ang 16 na mga demonstrador matapos magkasagupa ang mga pulis at mga nagpoprotesta bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino.
Sinabi ni Bagong Alyansang Makababayan (Bayan) secretary Renato Reyes na binigyan ng first-aid ang mga nasaktang mga demonstrador.
Tinangka ng mga demonstrador na makatawid sa southbound lane ng Commonwealth Avenue, na inilaan para sa mga sasakyan. Tinumba nila ang mga nakaharang na mga concrete barriers na nilagyan ng mga barbed wires.
Tumagal ang kaguluhan ng 30 minuto matapos namang bombahan ng tubig ang mga nagpoprotesta na armado ng mga putik at mga patpat.
Kinondena naman ni Reyes ang pangyayari.
“The protesters are indignant over the repeated violations of our right to protest. The barriers along Commonwealth are illegal,” sabi ni Reyes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.