‘Masalimuot ang iskandalong bumabalot sa INC!’
Nakakaloka ang isyu sa Iglesia Ni Cristo, di ba? Walang malinaw na statements sa lupon nila – very harmful para sa kanilang hanay ang naunang napabalitang kontrobersiya about them.
Kahit during our DZMM program last Thursday, parang maraming gray areas sa issue. Even yung pagdating ni Gen. Pagdilao during our interview sa radio show namin ay parang merong kulay.
Na parang takot na takot silang lumusob sa loob ng bahay ni Angel Manalo na that time ay walang linaw ang balitang may abduction na nagaganap sa loob.
Marami ang nagtataka kung bakit late nang nagresponde ang awtoridad sa panawagan ng marami that there was hostage-taking.
Kung sa mga Katoliko nangyari iyon, agad na sigurong nilusob ng pulisya ang bahay pero sa sitwasyon nila ay parang takot na takot ang PNP na galawin sila.
Ang katwiran ni Pagdilao ay very sensitive kasi ang isyu at pinag-aralan muna nila nang mabuti kung ano ang pinakamabuting gawin.
And what surprised the world ay ang balita the next day – ang sabi raw ni Angel Manalo ay wala raw abduction na nangyari, he denied everything that was written and heard.
“Baka nagkalagayan na, di kaya? Kasi nga, malaking iskandalo iyon sa part ng INC, talagang matitibag ang kanilang relihiyon pag hindi bumaligtad si Angel Manalo.
It will totally destroy their 101 years of existence. Lalo pa sa panahon ngayon that election is fast approaching – sino pa ang pulitikong lalapit sa kanila kung watak na sila?
“Kasi nga, di ba’t malaking kasiguruhan pag ang isang politician ay endorsed ng INC? Iyan ang mahirap sa bansa natin eh, uso ang takipan.
Bakit kasi hindi puwersahang pinasok nina Pagdilao ang bahay na iyon since putok na putok ang balitang there was hostage-taking sa loob?
Bakit kailangan pa nilang padaanin ang gabi at paniwalaan na lang ang sinabi nitong si Angel Manalo? Kaloka!
“Bakit, dahil malalaking tao ang involved? Sila naman ang nagsimula ng isyu, di ba’t mga taga-INC naman ang nagpasimuno ng gulo nila? Bakit hindi magalaw ng pamahalaan para magkaalaman na?
Hindi nila kailangan ng warrant of arrest para pasukin ang bahay ni Angel Manalo dahil putok ang balita about the alleged hostage-taking or abduction!” ang bwisit na bwisit na litanya ng isang kaibigan.
Oo nga, ’no? Bakit nga ba, Gen. Pagdilao? BAKIT???
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.