KC: Hindi ako ang nanliligaw sa lalaki!
“Hindi po kasi ako nanliligaw ng lalaki!” Ito ang sabi ni KC Concepcion nang tanungin kung siya ba ang tipo ng babae na nag-e-effort para makahanap ng bagong boyfriend.
Sey ni KC nakikipag-date siya ngayon, pero hindi exclusively. Ibig sabihin tina-try niyang makahanap ng makakasundo niya sa pamamagitan ng dating.
Sa interview ng Aquino And Abunda Tonight sa dalaga, tinanong siya kung ano na ang estado ng kanyang lovelife ngayon, “Siguro po, I am waiting for the guy to come to me, pero nagpi-pray din ako.
Super! Sabi nga nila, dapat specific ‘yung pinagpi-pray mo. Kasi dati, sabi ko, ‘Lord, gusto ko ng mabait, ng mahal ang pamilya niya, guwapo. Gusto ko ng ganito, ganyan.’
“Hanggang sa, ‘Lord, gusto ko yung may castle.’ Ganun po, tapos ibinigay ni God… as in. So, sabi ko, ‘Hanggang ba naman, Lord, sa castle ibibigay Mo sa akin?’ And it’s true.
Sabi nila na you have to pray for someone specifically. “Kasi gusto ni Lord na you have to write down or pray to Him kung ano exactly yung gusto mo,” anang anak ni Megastar Sharon Cuneta.
Tinanong uli ni Boy Abunda si KC ng, “When you say this, when you prayed someone in a castle, are you talking in present tense? Ang tugon ng TV host-actress, “A, matagal ko nang sila kilala, yeah.
Pero hindi naman yun ang pinaka-important siyempre. I’m dating, pero not exclusively! “Pero I’m looking for someone na who will also look for me and pursue me.
Kasi, I really think na women should be pursued and women should feel special and women should be taken cared of. Kasi, ibabalik naman ng babae yun, e,” sey pa ng ex-girlfriend ni Paulo Avelino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.