Vice nabiktima ng pasaway na night club sa Cebu
BIGLAAN ang pag-imbita sa mga manunulat para sa media launch ng bagong product endorsement ng komedyanteng si Vice Ganda. Si Vice at si Angeline Quinto ang mga “birit” ambassadors ng Platinum Karaoke. Mabuti na lang we were just around the area sa venue ng event.
Nilinaw ni Vice ang latest issue na binabato sa kanya ngayon regarding his show sa Cebu na diumano’y ‘di raw niya sinipot.
Pero ayon naman sa isang post sa Facebook, ‘yung may-ari ng club na dapat ay pagtatanghalan niya ay ine-expect si Vice to be “at an appropriate time.”
Dumating si Vice sa venue at 3:30 a.m. and he’s expecting daw na i-treat sila as VIP at dahil nga “special guest” siya.
“Actually, they sent me an apo- logy letter. Kasi nagpa-reserve kami, kasi we wanted to visit. We arrived in Cebu, Saturday pero ang show ko, Sunday (July 19).
So, since magbi-birthday si Rayver (Cruz, kasama niya sa show), mag-celebrate muna kami nina Rayver,” kwento niya.
Si Rayver ang nagsabi sa kanya na pumunta sa bar named Liv Super Club sa Mandaue City. Nagpa-reserve raw sila at doon nagpunta.
Nagpagawa raw ng poster ang naturang bar kung saan nakalagay na magso-show doon si Vice with matching ka-back-to-back pa. Sabi ni Vice naabutan pa raw nila yung poster nang bumisita sila sa lugar.
At doon sinabi nila na may show daw si Vice na hindi naman alam ng komedyante. Dahil diyan, tinawagan ng ABS-CBN ang bar at humingi naman daw ang mga may-ari nito ng apology.
Wala ring plano si Vice at ang management na idemanda ang bar. Natuloy pa rin daw ang celebration ng birthday ni Rayver sa Cebu pero sa ibang venue na.
But after ng party sa birthday ni Rayver, na-curious si Vice sa hitsura ng Liv kaya naisip niyang dumaan.
Bandang 4 a.m. na sila nakarating sa nasabing club at pagpasok nila, nakita nila sa LED widescreen ang ganito, “Welcome Vice Ganda to Liv Superclub.”
“Nakalagay ‘yung pangalan ko, so pumasok kami. Pero hindi nila kami binigyan ng upuan, wala nang masyadong tao. Pero hindi nga kami binigyan ng table.
Ang sabi ko, ‘Ang taray naman ng club na ‘to, nakapaskil ‘yung pangalan ko, tapos hindi kami binigyan ng table.’ So, umalis din kami after a few minutes,” lahad pa ni Vice.
Tiniyak lang ni Vice kung true nga na may poster na nagsasabing may show siya sa naturang lugar. Marami raw dapat ipaliwanag ang management ng bar dahil hindi lang si Vice ang nabiktima nila kungdi ang mga kababayan din nila sa Cebu na bumili ng tiket.
Posible raw na may naganap na ticket-selling. Pero sa kabila nito, grateful pa rin si Vice sa mga Cebuano dahil sa malaking suporta nila sa mga pelikula ni Vice.
Anyway, very happy si Vice to be chosen as one of the brand ambassadors ng Platinum Karaoke. Naniniwala siya sa produkto.
“To my amazement, updated ang list of songs nila kesa sa mga naka-upload sa mga karaoke bars at superb ang tunog parang professional kapag kumakanta ang mga kaibigan ko.
Secondly, karaoke-singing is very close to what I truly love doing which are singing and having fun,” ngiti ni Vice.
VICE NABIKTIMA NG PASAWAY NA NIGHT CLUB SA CEBU
‘Pero sabi ko wag nang magdemanda, mahal ko ang Cebuanos!’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.