Mahigit 12 katao nalason sa inihaw na isda, macaroni salad
COTABATO CITY – Mahigit 12 katao, kabilang ang tatlong bata ang isinugod sa ospital matapos kumain ng inihaw na isda at salad sa Maguindanao nitong Linggo.
Nasa excursion ang pamilya nang biglang isa-isang nakaramdam nang matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagkahilo matapos makakain ng hinihinalang sirang pagkain.
“Almost everyone simultaneously complained stomach ache, many vomited while others rushed to the beach comfort rooms due to loose bowel movement,” ayon kay Alice Upi, isa sa mga biktima.
Mahigit 12 katao ang ngayon ay patuloy pa ring nilalapatan ng lunas sa Cotabato Sanitarium sa Barangay Pinaring, Sultan Kudarat, Maguindanao.
Bukod sa 12 katao marami pa umanong miyembro ng pamilya ang sumakit ang tiyan pero hindii na naospital.
Ayon kay Dr. Halima Mokamad Romancap, hospital attending physician, posibleng food poisoning ang nangyari sa mga biktima.
“They all ate grilled fish and macaroni salad and complained of the same pain, it could be a case of food poisoning,” ayon sa doktor.
“But we could not take to laboratory tests samples of fish and salad because they quickly discharge the food,” dagdag pa nito.
Gayonman sa mga ginawang test sa mga biktima, nakita na merong amoeba ang mga ito.
“We were all happy, took our lunch together and went back to the water,” kwento pa ni Upi. “Suddenly, everybody was complaining.”
Ayon naman kay Shukra Adam ay napaiyak na lamang nang sabihin na anim sa mga biktima ay kanyang mga anak, tatlo rito ay nilalagnat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.