Valerie: Wala akong karelasyong Commissioner...hindi ako kabit! | Bandera

Valerie: Wala akong karelasyong Commissioner…hindi ako kabit!

Jobert Sucaldito - July 20, 2015 - 02:00 AM

valerie concepcion

LAST week ay meron akong natanggap na e-mail from a certain Valerie Concepcion – same letter na kumalat sa social media tungkol sa diumano’y pakiusap nitong huwag siyang husgahan at ipilit na meron silang relasyon ni Commissioner Siegfred Mison.

Hindi raw fair na takutin siya ng legal wife ng opisyal na kakasuhan siya dala ng pagiging kabit ng mister nito.

Pinatulan ko siyempre ang isyu sa “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz sa DZMM nu’ng mismong araw na mabasa ko ang letter na iyon pero may disclaimer ako na welcome ang sino man sa kanila to air their side of the story kung totoo man iyon o hindi.

Hanggang sa nabasa ko na lang ang reaksiyon ni Valerie Concepcion denying that the letter came from her.

Hindi raw siya ganoon kung magsulat -Taglish daw ang style niya at hindi raw talaga totoong may relasyon sila ng nabanggit na commissioner. Wala raw ganoong scenario sa buhay niya.

“Sino ang may gawa noon, aber? So pagbibintangan nila ngayon that someone uses Valerie’s name sa social media? Saan nanggaling ang isyu kung walang pinanggalingan? May mga names na nadawit para sabihing it’s a lie.

Unless isa itong publicity gimmick para pag-usapan si Valerie, di kaya?  “Kumbaga, nanggamit sila ng ibang tao para lamang sila pag-usapan.

Ayan, slightly successful sila dahil may pumatol at nagka-chance si Valerie to air her side and deny. Iyon nga lang, hindi masyadong patok ang reaksiyon niya dahil ang tingin ng mga tao sa kaniya ay meron siyang kapasidad na maging other woman.

“Well, hindi natin alam kung ano ba talaga ang totoo sa kuwentong ito. Why drag the name of the said commissioner and his wife para lamang mapag-usapan.

Maaaring someone used Valerie’s name pero yung anggulo ng pagiging other woman ay puwedeng totoo. Walang apoy kung wala usok or vice versa, di ba?” pag-analisa ng isang kaibigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Oo nga, ‘no? Bakit nga may lumutang na ganoong istorya kung hindi pala si Valerie ang may gawa ng sulat na iyon? And take note – nakiusap siya sa media na huwag siyang husgahan samantalang that time na nakarating sa amin ang liham na iyon ay wala namang issue of that sort na pinag-uusapan sa industriya?

Kaya parang ang dating sa amin ay publicity gimmick ito ni Valerie. Sana ay mali kami. Sana lang, ha. Kasi kawawa rin yung commissioner na walang kamuwang-muwang sa isyung ito na nadadamay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending