PBB housemate Kenzo sumikat sa pagiging emotero, lagot kay Julia Barretto | Bandera

PBB housemate Kenzo sumikat sa pagiging emotero, lagot kay Julia Barretto

Ervin Santiago - July 20, 2015 - 02:00 AM

kenzo gutirrez

Matapos ma-evict si teen housemate Ryan Bacalla, tatlong housemates na naman ang nanganganib na mapalayas sa Bahay ni Kuya sa susunod na eviction night ng PBB 737.

Nominated na naman for eviction sina”Daldal Darling ng Australia” Ylona Garcia, “Teen Mama ng Manila” Kamille Filoteo at “Astig Athlete ng Quezon City” Kenzo Gutierrez na first time ma-nominate mula nang magsimulang umere ang PBB.

Isa si Kenzo sa mga maiinit na pinag-uusapan among the housemates dahil nga sa mga kakaibang ginagawa nito sa PBB house, partikular na ang napabalitang “bromance” nila ni Bailey at ang “love affair” nila ni Kamille.

Isa rin siya sa mga dahilan kung bakit nagulantang ang MTRCB at utusan ang production ng nasabing reality show na magpaliwanag sa mga reklamo ng mga manonood.

In fairness, ngayon pa lang ay sikat na sikat na si Kenzo, tagumpay siya sa pang-aagaw ng atensiyon ng manonood dahil sa mga emote niya sa loob ng Bahay ni Kuya.

Mas lalo pa siyang pinag-usapan nang aminin niyang nakarelasyon niya noon si Julia Barretto. Pero sabi nga ng ilang fans ni Julia, lagot siya sa dalaga paglabas niya ng PBB.

Ang mga housemates namang sina Franco Rodriguez, Zonia Mejia at Jimboy Martin ay naligtas sa elimination matapos manalo ang kanilang team sa ginanap na weekly task sa loob ng PBB house?

Ang kontrobersiyal at youngest housemate naman na si Bailey May ay iniligtas ng mga kasamahan niyang housemate habang si Kyle Secades ay na-save sa eviction night matapos makakuha ng highest score sa ginawa nilang task.

Ang ikaapat na housemate na mapapalayas sa Bahay ni Kuya ay ia-announce next week at ibabase pa rin sa text votes ng madlang pipol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending