7-taong-gulang na batang lalaki aksidenteng nabaril at napatay ang 9-na-taong gulang na kalaro
NASA kustodiya na ng mga otoridad ang isang pitong-taong-gulang na batang lalaki matapos aksidenteng mabaril at mapatay ang siyam-na-taong gulang na kalaro sa Malaybalay City, Bukidnon, ayon sa ulat ng pulis.
Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa ulo at dinala sa Bethel Baptist Hospital, ngunit idineklara itong patay ganap na alas-3:55 ng hapon, ayon sa ulat ng Bukidnon provincial police.
Nalaman ng lokal na pulis ang insidente ganap na ala-1 ng hapon at nagpadala =ng mga tauhan para imbestigahan ang pangyayari.
Batay sa imbestigasyon, nillaro ng dalawang bata ang isang sumpak na pag-aari ng amain ng pitong-taong-gulang na bata.
Dinala ang pitong-gulang sa Malaybalay City Police Station at ibinigay sa City Social Welfare and Development Office, ayon pa sa ulat. (John Roson)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.