Altas wala pang talo sa NCAA | Bandera

Altas wala pang talo sa NCAA

Mike Lee - July 18, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro sa Martes
(The Arena, San Juan)
10 a.m. Lyceum vs San Beda (jrs)
12 nn. Letran vsSan Sebastian (jrs)
2 p.m. Lyceum vs San Beda (srs)
4 p.m. Letran vs San Sebastian (srs)

GINAWA ni Earl Scottie Thompson ang pangalawang triple-double sa liga habang may 20-20 si Bright Akhuetie para bigyan ang Perpetual Help ng 84-70 panalo sa San Sebastian sa 91st NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Pinalakas ni Thompson ang pagiging pinakamahusay na manlalaro pa rin sa pinakamatandang collegiate league sa bansa sa ibinigay na 21 puntos, 15 rebounds at 14 assists habang ang 6-foot-6 Nigerian na si Akhuetie ay may 20  puntos at 23 rebounds bukod pa sa tatlong assists at limang blocks.

Si Gabriel Dagangon  ay may panuportang 16 puntos, limang rebounds at dalawang assists para sa Altas na kontrolado ang Stags para maibigay kay Altas head coach Aric Del Rosario ang kanyang kauna-unahang 4-0 marka sapul nang pumasok sa koponan apat na taon na ang nakakalipas.

“Ito ang unang 4-0 ko mula nang pumasok ako sa Perpetual,” wika ni Del Rosario. “Malayo pa iyan. May 10 games pa at hindi pa rin ako kampante.”

Tinuran ng beteranong mentor ang pagkakaroon ng 27 turnovers na patunay na may kulang pa sa ipinakikita ng mga bata.

“Kailangang bumaba ito dahil marami pang mabigat na kalaban,” ani ni Del Rosario na sunod na makakaharap ang Letran na may 3-0 karta at pinabagsak ang five-time defending champion San Beda sa huling laro.

May 1-2 karta ngayon ang Stags at sila ay humugot ng pinagsamang 44 puntos kina Ryan Costelo, Bradwyn Guinto at Alvin Capobres.

Sumandal naman ang Jose Rizal University sa kanilang mga foreign players para wakasan ang dalawang sunod na pagkatalo sa 67-47 pananaig laban sa Emilio Aguinaldo College sa ikalawang laro.

Si Abdoul Poutouochi ay hindi sumablay sa limang field goals at limang free throws tungo sa 15 puntos habang si Abdul Wahab ay mayroong 14 rebounds, 3 blocks, 2 steals at limang puntos para maitabla ang baraha sa 2-2.

Umakyat sa solo ikatlong puwesto ang Arellano University sa 3-1 karta nang takasan sa overtime ang Mapua, 100-96, sa ikatlong laro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending