‘One to sawa’ term proposal ni Binay isang kasakiman – solon
ISANG kasakiman ang nais mangyari ni Vice President Jejomar Binay nang ipanukala nito ang “one to sawa” na term extension para sa mga halal na pinuno ng bayan.
ITO ang mariing pahayag ng isa sa pinakamaingay na kritiko ni Vice President Jejomar Binay na si Caloocan City Rep. Edgar Erice bilang reaksyon sa naging pahayag ni Binay.
Ayon kay Erice, bukod sa isang kasakiman, ang gustong mangyari ni Binay ay isang senyales ng pagiging corrupt nito.
“Greed for absolute power it corrupts absolutely. A scary man, a scary family,” ani Erice.
Naniniwala rin ang kongresista na ang panukala ni Binay ay isang pain para sa mga opisyal ng gobyerno para siya ay suportahan ng mga ito sa darating na halalan.
“A trapo who would tease those politicians who would want to perpetuate themselves in their respective localities,” dagdag pa ni Erice.
Sa isang pagtitipon sa Bacolod City kasama ang ilang lokal na opisyal doon, sinabi ni Binay na payag siyang tanggalin ang term limit sa mga halal na opisyal hangga’t nais sila ng botante ay maaari silang maupo sa kanilang pwesto.
“Itong term na ito ’di talaga ako naniniwala d’yan. Kailangan one to sawa ’yan, hangga’t gusto ng tao. Kaya kung meron amendments sa Constitution, ipapaalis ko yung term limitation. Hangga’t maaari, iboto nang iboto,” ayon kay Binay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.