3 patay, 6 nawawala matapos ang pagguho sa minahan ng coal Semirara | Bandera

3 patay, 6 nawawala matapos ang pagguho sa minahan ng coal Semirara

John Roson - July 17, 2015 - 05:31 PM

semiraracoal
PATAY ang tatlo katao, samantalang anim na iba pa ang nawawala matapos ang nangyaring pagguho sa minahan ng coal sa Semirara Island, Caluya, Antique kahapon ng umaga.

Sinabi ni Office of Civil Defense 6 director Rosario Cabrera na nagkaroon ng landslide sa Panian mine site ng Semirara Mining and Power Company (SMPC), dahilan para magdulot ng pagguho at malibing ng buhay ang mga manggagawa.

Idinagdag ni Cabreta na sa 13 manggagawang natabunan, apat ang nakatakas, tatlo ang natagpuang patay, samantalang anim na iba pa ang nabaon at pinangangambahang patay na rin.

Kinilala ni Antique provincial police director Senior Superintendent Edgardo Ordaniel ang mga biktima na sina Alexander Nudo, Ricardo Panes, at Arnold Omac.

Kabilang naman sa mga nawawala pa rin ay sina Danilo Bayhon, Noel Penolla, Diczon Daupan, Aryan Catulay, Generoso Talaro, at Bernie Manriquez, dagdag ni Ordaniel, batay naman sa impormasyon mula sa mga lokal na mga otoridad ng Caluya.
Nakaligtas naman sina Brendo Tuarez, Nelson Villamor, at Entible Mangado.
Nagsasagawa na ng operasyon ang mga empleyado ng SMPC para mahanap ang anim na nawawalang mga manggagawa.
Sa isang pahayag, sinabi ng SMPC na bumigay ang hilagang dulo ng minahan ng Panian ganap na alas-3:45 ng umaga.
Iniimbestigahan na ng kumpanya ang sanhi ng aksidente.
Nangako ang SMPC ng buong suporta sa pamilya ng mga biktima ng pagguho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending