James Reid maarte sa pagkain, ayaw kumain ng baboy
MAY kaartehan pala si James Reid when it comes to food.
He doesn’t eat pala pork kaya naman umoorder ang production team ng ibang pagkain para sa kanya. Masyado kasing health conscious sI James, ayaw niyang tumaba kaya naman iniiwasan niya ang pork.
Aside from that, may pagkaisnabero raw itong si James. Hindi niya kinikibo ang staff kaya medyo naiilang sa kanya ang mga ito.
Teka, hindi ba’t sinabi naman ni James in a past interview na shy type siya when rumors surfaced na inisnab-isnab niya si Mark Herras during his short stay sa Sunday musical show ng GMA 7?
Ang chika, hindi nga palabati si James kaya naman medyo aloof sa kanya ang staff ng kanyang teleserye.
At hindi rin naman daw sweet sina James at Nadine Lustre sa likod ng mga camera.
Kapag may take ay okay sila pero after the shot ay kanya-kanya na silang punta sa kanilang dressing room. Ni hindi man lang daw sila nagtsitsikahan after the take.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.