Daniel patutunayang totoo ang pagmamahal kay Erich | Bandera

Daniel patutunayang totoo ang pagmamahal kay Erich

Ervin Santiago - July 12, 2015 - 02:00 AM

erich gonzales

Muling pumirma ng kontrata ang aktres na si Iza Calzado sa ABS-CBN kasama ang Brazilian-Japanese model at actor na si Daniel Matsunaga.

“Sobrang saya ko, at ipinagmamalaki kong Kapamilya pa rin ako.” ani Iza nang pumirma siya ng dalawang-taong kontrata sa ABS-CBN.

Masayang kinumpirma ni Iza na magkakaroon siya ng teleserye sa susunod na taon. Sa ngayon, nakatuon muna ang atensyon niya sa pelikulang “Etiquette for Mistresses” sa ilalim ng Star Cinema.

Samantala, pumirma rin ng kontrata ang Pinoy Big Brother All In Big Winner na si Daniel Matsunaga na nakatakdang gawin ang seryeng Be My Lady kasama ang dyowang si Erich Gonzales.

“Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Diyos. Sa lahat ng mga dumarating na biyaya, at sa mga opportunities,” ani Daniel.

Dumalo sa contract signing ng dalawang Kapamilya stars sina ABS-CBN TV Production head Laurenti Dyogi, ABS-CBN Free TV head Cory Vidanes, ABS-CBN president and CEO Charo Santos-Concio, at chief finance officer Aldrin Cerrado.

Samantala, marami ang nagsasabi na lucky charm ni Daniel si Erich, mula raw kasi nang maging close sila ay mas dumami ang projects ng binata.

Tapos ngayon ay binigyan pa siya ng exclusive contract ng ABS-CBN. Tungkol naman sa mga nagsasabing ginagamit lang daw ni Daniel si Erich para mas bumongga ang kanyang career, dedma lang ang model-actor.

Basta ang sabi niya, patutunayan na lang niya sa madlang pipol na totoo ang pagmamahal niya kay Erich at wala siyang planong gamitin ang aktres sa pansarili niyang mga interes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending