Big Brother naduwag sa mga moralista, bait-baitan sa Bahay ni Kuya
Bait-baitan ang peg ni Kuya ng Pinoy Big Brother, ha.
Aware that the show is under fire for its seeming failure to protect the interest of teen housemates especially when social media people reacted violently on the perceived bromance between Bailey May Thomas and Kenzo Gutierrez, biglang kumambiyo ang show nang pagsabihan ni Kuya ang housemates na sina Kamille Filoteo and Kenzo na tigilan na ang brewing romance nila lalo pa’t may boyfriend ang una at may anak na.
Earlier, parang pinalulutang ang Kenzo-Kamille romance para mapagtakpan ang Kenzo-Bailey bromance dahil nga ito ang mainit na mainit na pinag-uusapan sa social media, lalo na ng mga baki.
“Nakakatawa na ang ABS-CBN ay ibinaling ang sisi sa mga netizens na diumano’y nagbibigay raw ng malisya sa mga ginagawa ng housemates sa loob ng Bahay ni Kuya. naghuhugas kamay sila samantalang sila itong inilagay ang mga kabataang ito matapos ang nila itong supposedly ini-screen at evaluate bago napili na pumasok sa PBB house.
“Dapat sa screening pa lang ay ginawa na nila ang nararapat, pinili ng maayos ang mga participants na siyang tunay na magre-represent sana ng kabataang pinoy tulad na kanilang ina-advertise.
“Kaya lang alam naman ng buong bayan na they are ONLY after the ratings and kikitain from live streaming subscription as well as commercial loads ng SHOW. it’s a showBUSINESS after all, PBB has become their talent search program kaya puro lamang scripted at arte at controversies ang priorities nila.
“The mere fact na inilagay nila sa harap ng mga cameras na batid nilang papanoorin ng maraming tao ang mga kabataang ito na edad ay nagsisimula ng edad dose anyos, inilalagay nila ang mga ito sa paghuhusga ng mga manonood.
“Paghuhusga kunsaan maari nila itong sabihing mabuting tularan o hindi dapat tularan. ngunit, so far tila inililihis nila ang isyu at sisi at ayaw nilang akuin,” mahabang litanya ng isang guy na lumabas sa isang web portal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.