TV/movie director suma-sideline bilang drug pusher
HINDI lang sa showbiz kundi maging sa antas ng mga mayayaman sa lipunan kilala ang bangis ng isang TV at movie director na suma-sideline rin sa pagbebenta ng droga.
Ayon sa ating cricket mula sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), isa lang si Direk sa listahan ng kanilang mga tinututukan dahil sa talamak na bentahan ng droga sa showbiz.
Kinukunsinti ng ilang talent managers at directors ang paggamit ng droga para raw mawala ang inhibitions ng kanilang mga artista.
Dahil sa magdamagang taping, pangontra rin daw sa stress ang illegal drugs kaya’t naging talamak ito sa showbiz.
Pero ibahin n’yo ang direktor na ito, wala sa kanyang magandang imahe ang paggawa ng ganitong uri ng kalokohan kaya laking gulat ko rin nang malaman na kasama sa listahan ng PDEA ang kanyang pangalan.
Bukod sa pamilyadong tao ay kilala syia sa pag-gawa ng mga pambatang shows si direk, kaya nung una ay mahirap paniwalaan ang kanyang involvement sa illegal drugs.
Nagbago ang linya ni Direk nang mawalan siya ng mga raket ilang taon na ang nakalilipas.
Dahil sa depression ay natuto siyang gumamit ng drugs then eventually ay natuto na rin siyang magtulak nito dahil sa kakapusan ng pera.
Kahit walang show sa TV at ginagawang mga pelikula ay naging maayos ang pamumuhay ng kanyang pamilya dahil sa kanyang iligal na sideline.
Nang muli siyang mabigyan ng break at nagkaroon ulit ng mga projects sa isang TV network ay hindi pa rin itinigil ni Direk ang kanyang iligal na gawain.
Pati ang ilan sa mga talents and crew ng naturang network ay nalulubog na rin sa droga dahil sa impluwensya ng taong ito.
Kahit putok na sa loob ng network ang balita tungkol sa dark secret ni Direk ay nakakapagtaka namang walang ginagawang aksyon ang mga bigwigs ng nasabing himpilan.
Malamang ay magla-labas na lamang ng statement ang network kapag nakakulong na si Direktor Mokong.
Ang TV/movie director na sinasabing nagsa-sideline na drug pusher ay si Direk M.E.—as in Misteryosong Echos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.