NITO lamang July 6 nang mamatay ang aking asawa na si Rustico Bustamante dahil sa heart attack . Gusto ko lang po sanang itanong sa SSS kung anong benipisyo ang pwedeng makuha ng asawa ko? Katatapos lamang po niya na makakuha ng disability benefits ng dalawang taon at siya ay nakakatanggap ng P1,7000 a month.
Sana ay matulungan ninyo ako. Malaking tulong po sa amin ang makukuha naming benipisyo. Ang SSS number ng mister ko ay 03-78-8. Ano-ano ang mga kinakailangang requirements? Sasagutin muna ng pinsan niya ang bayad sa funeral. Kanino po dapat ipangalan ang resibo? Salamat po.
Mrs. Myrna
Bustanmante
REPLY: Para sa iyong katanungan Gng. Bustamante , ang iyong mister ay entitiled sa funeral o burial benefits na P20,000. Base sa aming record ay kwalipikado naman siya sa nasabing benipisyo.
Kinakaila-ngan lamang na i-submit ang mga requirements gaya ng resibo na pinagbayaran sa funeral, SSS ID, NSO marriage contract. Kung hindi ikaw ang magbabayad bilang maybahay niya ay maaari namang ipa-ngalan ang resibo sa pinsan niya pero kinakailangan mo rin na magsubmit ng waiver para ipangalan sa pinsan ang check na mula sa SSS. May dalawa hanggang tatlong linggo ang processing bago makuha ang burial benefits.
Mas mabuting mag file ng burial benefits sa pinakamalapit na SSS branch kung saan inilagak ang mga labi ng iyong mister upang hindi na magkaroon pa ng imbestigasyon at agad na makuha ang beni-pisyo.
Maliban sa nasabing benipisyo bilang may-bahay ng miyembro ay entitled ka sa monthy pension. Sakali namang hindi kayo kasal ng asawa mo ay maaari namang makakuha ng lump sum death benefits na P40,000 ngunit kung may loan balance ang isang miyembro ay kinakailangang ikaltas ito.
Sana ay nasagot namin ang iyong
katanungan.
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer,
Media Affairs
Department
Social Security
System
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.