PBB fans umapela sa ABS-CBN, nagsagawa ng signature campaign | Bandera

PBB fans umapela sa ABS-CBN, nagsagawa ng signature campaign

Ervin Santiago - July 09, 2015 - 02:00 AM

pbb

Isang petisyon mula sa mga sumusubaybay sa Pinoy Big Brother 737 ang inilunsad upang ibalik ang 24/7 livestreaming ng programa sa internet at cable channel.

Ilang araw matapos ihayag ng management ng Kapamilya network na pinuputol na nila ang 24/7 livestreaming service ng nasabing reality show, ilang grupo ang nagsagawa ng signature campaign para maibalik ito.

Isang user na nagngangalang Pepsi Punk mula sa website na Change.org ang nagsimula ng nasabing kampanya. Aniya, bakit daw kailangang magsakripisyo ang nakararami nang dahil lang sa iilang netizens na pasaway.

Hangad ng nasabing petisyon na makakuha ng 1,000 lagda. Sabi pa ni Punk ang nasabing live streaming service ng PBB, “It plays a vital role towards the phenomenal success of the show to the masses as it used by avid followers of the show to know more about the housemates.”

Kamakailan, nagdesisyon ang pamunuan ng ABS-CBN na i-shut down na ang 24/7 livestreaming ng PBB 737 dahil sa ginagawang panghaharas at pambabastos sa dalawang PBB teen housemates – sina Bailey May at Kenzo Gutierrez.

Nanawagan pa ang Kapamilya network na tigilan na ang pambu-bully kina Bailey at Kenzo, lalo na ang pagkakalat ng balitang may relasyon ang dalawang bagets.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending