Coleen Garcia nag-sorry sa service crew na biglang tsinugi sa trabaho | Bandera

Coleen Garcia nag-sorry sa service crew na biglang tsinugi sa trabaho

Ambet Nabus - July 07, 2015 - 02:00 AM

coleen garcia

Magkaiba ang take namin sa isyu ng isang service crew sa isang restaurant joint na nawalan ng trabaho dahil sa reklamo ng kustomer at doon sa nakakalokang eksena ng isang doktor daw na naging viral sa social media kung saan sinadya nitong maging late ang pagde-deliver sa kanya ng kanyang inorder sa isang food chain.

Una na nga ang nawalan ng trabaho dahil sa umano’y reklamo ni Coleen Garcia at ng lola nito sa server na diumano’y naging arogante sa kanila.

Sa social media post ng naturang server, parang kinukunsenya nito ang aktres-TV host sa pagkakatanggal niya sa work.

May emote pa itong siya lang ang breadwinner sa pamilya sabay sabing never niyang naging bastos sa maglola. Simple lang ang aming pagtingin dito.

Hindi naman marahil basta na lang tsutsugihin ang naturangserver nang dahil lang sa reklamo nina Coleen, baka naman nagkapatung-patong na ang sablay ng staff kaya tsinugi na siya.

Masyado namang powerful sina Coleen kung nang dahil lang sa reklamo nila ay tinanggal siya agad.
Nag-explain na si Coleen about this sa pamamagitan ng social media, aniya, “I heard about this issue five days ago and SINCE THEN I have been trying my best to contact @ramennagi for answers, since I wasn’t sure if it was true.

“I told them that if my feedback was the sole cause of this, I really didn’t intend for it to get to that point because all I really wanted was for the management to fix their existing problems so that dining there would be more pleasant for others the next time around.

“Customers usually give feedback every time they aren’t happy with the service, and I did so privately and with no anger at all.

“I hope that this could still be fixed, at least just for his sake. To the employee affected, I extend my sincere apologies and I hope you understand that it didn’t have to come to this.

I will still try my best to fix all of this so that you can get the fair treatment that you deserve. “But no more of this social media BS.

This is something that should be resolved privately,” sabi pa ni Coleen. Pero ang nakakaloka at dapat na isumpa ay ang diumano’y doktor na si Jay Bee na napagtripan ang crew ng isang food chain na nag-deliver ng food sa kanya.

May promo kasi ang naturang food joint na kapag late nai-deliver ang order ay meron silang free gift certificate.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nang dahil nga sa pag-amin nito na sadya niyang pina-late ang pag-receive sa kanyang order to get the free GC ay na-bash siya nang todo.

At may gana pa itong mag-dirty finger sa mga umano’y naiinggit lang sa kanyang kasikatan!?
Nakakadiri ang mamang ito at gusto naming iparating sa pamilya at mga kaibigan niya na dahil sa mga taong gaya niya ay napatunayan naming maraming mal-edukado sa bansang ito na dapat kasuklaman!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending