Paano pumili ng matibay na helmet | Bandera

Paano pumili ng matibay na helmet

|August 29,2012
facebook
share this

Paano pumili ng matibay na helmet

- August 29, 2012 - 04:52 PM

KAILAN ka huling bumili ng helmet? O ayos ka lang sa helmet na ginagamit mo dahil hindi ka naman tumatakbo ng 80 kph sa kalsada na 10 ang lane pero malapit sa aksidente dahil sa mga kasabay mong mga dambuhalang trak at bus?

Kapag pumipili  ng helmet na bibilhin, ang konsiderasyon mo ba ay maprotektahan ang iyong ulo mula sa pagkabagok o pagka-untog sa kalsada kung sakaling masangkot ka sa aksidente?

O dahil gusto mong maging malinaw ang iyong tingin habang suot ang helmet at bumabaybay sa kalsada?

Nasubukan mo na bang tumingin ng bagong crash helmet na pasok sa kalidad na itinakda ng Department of Trade and Industry?

Yung gawa sa fiberglass na may nakalagay na reflectorized, three-dimensional logo ng ICC?

Aba, dapat maghanda na dahil simula Enero 1, 2013 ay gagawin nang mandatory ang paggamit nito.

At kung hindi susunod tiyak na masisingil ka ng malaki-laking halaga, at alam namin na alam mo na rin ito.

Malamang ang hanap mo ay ‘yung gawa sa matibay na materyales upang hindi masaktan ang iyong ulo kapag ikaw ay naaksidentePero hindi lamang ito ang dapat mong ikonsidera o tingnan sa pagpili o pagbibili ng bagong helmet.

Dapat mo ring ikonsidera ang liwanag ng salamin ng helmet na iyong bibilhin at nang hindi ka nangangapa sa dilim o sa tuwing umuulan.

Limang brand ang aming sinuri (pasensya na at hindi namin maaaring banggitin ang mga ito dahil baka isipin na nag-eendorso kami ng mga produkto) upang malaman ang epekto ng tint nito sa mata ng nagmomotorsiklo.

Ang mga bagong heneras-yon ng helmet ay mayroong full-faced shield na mayroong nakakabit na tinted visor.

Matapos suriin ang limang brand, napatunayan namin na hindi pare-pareho ang mga ito pagdating sa dilim ng mga tint na ginamit sa mga ito.

Dahil hindi gawa sa Pilipinas ang mga ito, malinaw na ang ginamit na batayan sa paggawa nito ay ang anggulo ng liwanag ng araw (bawat bansa ay mayroong iba’t ibang oras ng pagliwanag ng araw at oras ng pagdilim).

Ang tinted visor ay maaa-ring hindi ginawa para sa liwanag ng araw sa Pilipinas.

Ang mga bagong brand ay hindi komportableng gamitin kapag alas-7 ng umaga at alas-4 o alas-5 ng hapon dahil naaapektuhan nito ang paningin ng nagmomotorsiklo.

Kulang ang liwanag sa kalsada sa mga nabanggit na oras kaya nahihirapan ang mga gumagamit ng mga ito na makita ang daan.

Mas makabubuti kung ang pipiliing helmet ay maliwanag, mayroong anti-scratch at gawa sa impact resistant polycarbonate.

Ang polycarbonate ay ang pagbabago sa paggawa ng helmet shield. Gawa ito sa malinaw subalit matigas na plastik.

Ang kaibahan nito sa ibang helmet ay ang pagiging maliwanag ng face shield kaya mas madaling makita ang mga maliliit na bato at iba pang nakakalat sa kalsada.

May kabigatan ang mga bagong helmet dahil kailangan ito upang mas maging matigas at hindi kaagad mabasag.

Halos hindi na nagbago ang itsura ng helmet sa nakaraang limang taon.

Ngayon mas mabenta ang sporty look. – Lito Bautista, Leifbilly Begas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

(Editor:  May tanong, reaksyon o komento ba kayo sa artikulong ito?  Nakatulong ba ito?  I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending