Jay Taruc gustong maglakbay sa buwan...gamit ang motor! | Bandera

Jay Taruc gustong maglakbay sa buwan…gamit ang motor!

Ervin Santiago - July 04, 2015 - 02:00 AM

jay taruc

Pinagbigyan ng documentary program ng GMA News TV na Motorcycle Diaries ang hiling ng ilan nilang viewers na gumawa ng mas maraming episode para sa mga Pinoy na “adik” sa pagmo-motor.

Ayon sa award-winning host nitong si Jay Taruc, nga-yong nasa ikaapat na taon na ang kanilang programa, mas lalo nilang paiigtingin linggu-linggo ang paghahatid ng maaaksyon at makabuluhang kuwento para sa kanilang loyal viewers.

Para sa mas pinalakas na format ng show, tatawagin na itong Motorcycle Diaries: Live The Ride na mapapanood tuwing Huwebes sa GMA News TV.

Nakausap namin sa pocket presscon ng show ang George Foster Peabody Awardee na si Jay Taruc at nangako siya sa mga manonood na mas marami silang pasabog bilang bahagi ng kanilang anibersaryo.

Nagsimula ang pagbabagong-bihis ng Motorcycle Diaries: Live The Ride noong nakaraang Father’s Day kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay iniangkas ni Jay sa motorsiklo ang kanyang mga anak na sina Luis at Sophie.

Dito rin nakilala ng publiko ang mag-asawang higit na tumatamis at tumitibay ang pag-iibigan dahil sa iisang hilig – ang pagmo-motorsiklo. Sa katunayan nakilala ang kanilang tambalan bilang “Together We Ride.”

Noong nakaraang taon, sumabak ang mag-asawa sa isang natatanging adventure ride mula Luzon hanggang Mindanao na tumagal ng halos isang buwan.

Sumama si Jay sa kakaibang trip ng mag asawa na may kaangkas pang komedyante na si Pepita. Sa loob ng mahigit tatlong taon ng Motorcycle Diaries, ilang motorcycle groups at riders na ang nakasama ni Jay sa biyahe.

At ngayon, sila naman ang bibida ngayon dahil itatampok sa programa ang pambihirang kuwento ng mga rider kasama ng kanilang motorsiklo!

Noong isang araw, napanood naman ang pag-angkas ni Alessandra de Rossi sa motor ni Jay. Nagtungo sila sa Cavite kung saan kapwa nila na-experience ang paghuli at pagkain ng tahong.

Dito rin natupad ng aktres ang matagal na niyang pa-ngarap na masaksihan ang sunset sa Cavite. Samantala, kung may isang lugar na gustong puntahan ni Jay sakay ng kanyang motorsiklo, yan ay walang iba kundi ang buwan.

Gusto raw kasi niyang ma-experience kung paanong maglakbay sa moon gamit lang ang kanyang motor.Tinanong namin siya kung sa 15 taon niyang pagmomotorsiklo ay naaksidente na siya, hindi pa raw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maingat naman daw kasi siyang magmaneho at talagang kumpleto ang kanyang riding gear kapag naglalakbay siya. Hinding-hindi rin daw malilimutan ni Jay ang ginawa nilang episode noon kung saan bumiyahe sila mula Malaysia hanggang Indonesia, “Doon ko talaga naramdaman ‘yung pain, yung sakit ng katawan, pagod, gutom, parang naglakbay ka na rin mula Luzon hanggang Mindanao.”

Kaya sa lahat ng mga mahilig sa motor at maglakbay, angkas na sa pag-arangkada ni Jay tuwing Huwebes, 10 p.m. sa 2015 New York Festival Bronze Medalist Motorcycle Diaires: Live The Ride sa GMA News TV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending