Pagkalat ng pekeng bigas bantayan | Bandera

Pagkalat ng pekeng bigas bantayan

- July 02, 2015 - 03:00 AM

SINO ba naman ang hindi magugulat sa napabalitang nakapasok na sa bansa ang tinatawag na “plastic” rice o pekeng bigas.
Hindi inakala ng mga kinauukulan na gugulantang na lamang sa kanila ang balitang isang residente sa Davao City ang nakabili ng kanin na mula sa pekeng bigas o.

Isang nagngangalang Carmencita Grinio, ang nagsabing nakabili siya ng kanin mula sa Ciudad Esperanza canteen sa Cabantian, Davao City. Ang deskripsyon niya sa kanin ay para itong itsurang styrofoam o yung synthetic packaging material na pinaglalagyan ng pagkain.

Ang sinasabing pekeng bigas o “plastic” rice ay gawa sa patatas, kamote at synthetic resin o ang pangunahing sangkap sa paggawa ng plastic.

Pero mariin namang itinanggi ng may-ari ng canteen at nang pinagbilhan niya ng bigas na peke o “plastic” rice ang kanilang ibinibenta.

Nakaalerto ang National Food Authority sa Davao City at patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa umano’y pagpasok ng “plastic” rice sa nasabing syudad.

Sinasabi na ang pekeng bigas ay galing sa China at ipinagbibili sa murang halaga; naipasok sa bansa ng mga smuggler. Bukod sa Pilipinas, sinasabing kalat na rin ang pekeng bigas sa Indonesia, India, Malaysia at Vietnam.

Kung hindi susuriing mabuti, mahirap matukoy kung ang bigas na bibilhin sa merkado ay tunay o peke; mahirap na makita ang pagkakaiba ng dalawa.

Nakakaalarma ang pagpasok ng “plastic” rice dahil delikado ito sa kalusugan. Ikaw ba naman ang makakain ng plastic, hindi ka ba matatakot?

Sa kabila ng mga pangambang ito, naniniwala pa rin ang NFA na wala pa silang nakikitang indikasyon na nakapasok na nga sa bansa ang nasabing pekeng bigas.

Naghigpit na rin ang NFA at nag-atas ng masusing pagbabantay sa mga merkado upang matukoy kung sino-sino ang nagbebenta ng pekeng bigas. Aaraw-arawin din daw ng NFA ang pagi-inspect sa mga tindahan ng bigas.

Ang nakapagtataka lang ay kung bakit hindi pa rin maniwala ang NFA na present na nga sa merkado ang “plastic” rice gayung meron na ngang nagrereklamo. Mahirap ba para sa NFA na aminin ang totoo?

Anong dahilan bakit kailangang itanggi ng NFA na nasa merkado na nga ang kinatatakutang pekeng bigas? Hindi ba’t mas mainam na ngayon pa lang ay aminin nito na may banta na ang “plastic” rice upang higit na mapag-ingat ang publiko, at para maaga rin na masugpo ito.

At bakit nga ba ito nakapasok sa bansa? Ano bang ginagawa ng Bureau of Customs at maging ng Department of Agriculture? Kung tunay na mahigpit na nagbabantay ang mga ahensiyang ito, hindi sana nakapasok ang pekeng bigas sa ating mga merkado.

Tulad nang dati, ngayon lang din nagkukumahog ang DA at NFA para mabatid kung may mga smuggled rice (peke man o hindi) na ibinibenta sa merkado.

Kung sa simula pa lamang, naghigpit na ang mga ahensiyang ito, hindi na sana sila mabubulaga pa at matataranta sa kung ano ang nararapat na gawin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At ano rin ba ang ginagawa ni dating Senador Kiko Pangilinan na ngayon ay Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization? Anong seguridad ba ang kaya niyang ibigay sa publiko laban sa pekeng bigas?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending