Angel Locsin nabiktima ng Reporter, laging naglalabas ng lumang balita
Halatang sinisiraan lang ng isang writer si Angel Locsin nang i-blind item niya ito na mukhang hindi na raw matutuloy ang fantaserye ng aktres.
Una raw, nagkakaroon ng problema sa casting at nahihirapan daw ang network sa special effects. How absurd, ‘di ba?
Bakit naman mahihirapan sa casting, eh, ang daming talents ng network?
At bakit mahihirapan sa special effects, eh, mapera naman ang ABS-CBN at carry nitong gumastos para sa anumang effects na kakailanganin.
Mukhang may galit ang reporter-reporteran kay Angel dahil obvious naman na kampi siya sa isang female celebrity na palaging ikinukumpara kay Angel.
Ang hirap kasi sa ibang reporters, masyadong biased. Kung makaarte ay akala mo kung sino, eh, wala namang napatunayan sa showbiz kundi ang mag-lick ng ass ng mga favorite nilang artista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.