Ombudsman tuluyan nang tinanggal sa serbisyo si Alan Purisima
TULUYAN nang tinanggal sa serbisyo ng Office of the Ombudsman ang nagbitiw na dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima matapos maugnay sa P100 milyong kuwestiyonableng kontrata sa isang pribadong courier service.
Sa isang pahayag, sinabi ng Ombudsman na sinibak si Purisima sa serbisyo matapos ang isinagawang imbestigasyon kaugnay ng maanomalyang kontrata sa Wer Fast Documentary Agency, Inc. (WERFAST).
Kasama rin sa tinanggal sa serbisyo si Police Chief Supt Raul Petrasanta, dating opisyal ng PNP Firearms and Explosives Office.
Dahil sa pagkakasibak, wala nang makukuhang benepisyo ang mga opisyal at hindi na sila maaaring tanggapin sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.