Sinabi ni Department of Health spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy kahapon na pawang negatibo ang mga isinagawang serye ng mga pagsusuri sa tatlong Korean sa RITM.
“Lumabas na ang resulta this morning and it turned out na negative naman sila,” sabi ni Suy Radyo Inquirer 990AM.
Idinagdag ni Suy na mananatili naman ang tatlo sa RITM habang ginagamot sa kanilang trangkaso.
“Baka may trangkaso sila. Ang importante nung tinest natin for MERS-COV lumitaw na negatibo sila,” dagdag pa ni Suy.
Ayon pa kay Suy, dahil dito, nananatili pa ring ligtas ang Pilipinas sa nakakamatay na virus.
Pinayuhan din ni Suy ang publiko, lalu na ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na bumabalik sa bansa na magpakonsulta sa doktor oras na makaramdam ng mga sintomas ng virus. Inquirer.net
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.