Juday ayaw makialam sa away nina Mega, KC | Bandera

Juday ayaw makialam sa away nina Mega, KC

Ervin Santiago |June 30,2015
facebook
share this

Juday ayaw makialam sa away nina Mega, KC

Ervin Santiago - June 30, 2015 - 04:08 PM

KUNG may isang celebrity na super close kay Sharon Cuneta, ‘yan ay walang iba kundi si Judy Ann Santos. Naging magkaibigan ang dalawa nang gawin nila ang pelikulang “Magkapatid” ilang taon na ang nakararaan.

Inamin nina Juday at Mega na hanggang ngayon ay close pa rin sila at kahit nga hindi na sila masyadong nagkikita ay nandu’n pa rin ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Sobra nga ang pasasalamat niya kay Sharon dahil sinuportahan siya nito sa launching ng kanyang cook book kamakailan.

Sa isang panayam ay natanong si Juday tungkol sa hidwaan sa pagitan ni Mega at ng anak nitong si KC Concepcion. Pero ayaw daw makialam ni Juday.

“Of course naman, family naman kami ni Ate (Sharon), kung anuman yung achievement ng isa sa amin, achievement namin yun pareho. The mere thought Ate went out of her way to show her support, malaking bagay yun. Yung cookbook kasi is really close to my heart, baby ko talaga yun, e.

“Well, ang hirap magbigay ng comments pero mother and daughter, may mga frictions naman talaga ‘yan, nama-magnify lang dahil parehong nasa industriya.

“Whatever issues they’re going through right now, let them be. ‘Wag nang sumawsaw, ‘wag nang palakihin pa kasi issue nilang mag-nanay yun.

“Wala tayo du’n as tao ng showbiz, kapag nakitsismis pa lalo lang lalaki so let’s let them be,” paliwanag pa ni Juday sa nasabing panayam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending