Sa pagnenegosyo yayaman | Bandera

Sa pagnenegosyo yayaman

Joseph Greenfield - June 30, 2015 - 04:02 PM

Sulat mula kay Albert  ng St, Francis Village,  Bagbag, Lapu-Lapu City,

Dear Sir Greenfield,

Dating OFW po ako sa Saudi at halos anim na taon ako doon. Bagamat may maganda pa rin sa aking offer ang company namin, iniisip kong mag negosyo na lang upang hindi na ako malayo sa aking pamilya at ito ang dahilan kung bakit naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung saan ba ako higit na susuwertehin sa negosyo o sa pag-aabroad na lang uli? Kung sa negosyo, ano naman ang bagay at magandang produkto para sa akin upang ito ay mapaunlad at mapalago ko? October 14, 1975 ang birthday ko.

Umaasa,
Albert ng Lapu-Lapu City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Kapansin-pansin ang malinaw, makapal at mahabang Business Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin tama ang iniisip mo sa ngayon, higit kang papalarin sa pagnenegosyo kaysa sa muling pangingibang bansa. Ibig sabihin, mas mainam ang negosyo kung ang gagawing negosyo ay iksakto at tamang produkto na angkop sa iyo.

Cartomancy:

Sa pagnenegosyo hindi isang lalaki ang dapat mong makasosyo o makasama sa pagtitinda o kung anoman ang iniisip mong negosyo kundi isang babae, ito naman ang nais sabihin ng Queen of Diamonds, King of Clubs at Nine of Hearts. Ibig sabihin higit kang aasenso sa pagnegosyong sa tulong at ayuda ng isang sexy, o kaya’y medyo chubby at magandang babae na may bilugang hugis ng pagmumukha.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending