Muli kayang makapagdya-Japan (2)
Sulat mula kay Eva ng Mangagoy, Bislis,
Surigao del Sur
Problema:
1. Nakapag-Japan na po ako dati, pero napauwi ako gawa ng nabuntis ako ng kasamahan ko rin sa trabaho. Sa ngayon naisilang ko na ang aming baby at two years old na siya. Ang problema, dalawang beses na po akong nare-reject sa interview ko pabalik sa Japan, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. Ano po ba ang nakikita nyo sa aking kapalaran, may pag-asa pa kaya akong makabalik sa Japan?
2. Sana matulungan nyo ako, kasi po ito na lang ang nakikita kong pag-asa upang mabigyan ko ng marangal na buhay ang kaisa-isa kong anak sa pagkadalaga, dahil sa ngayon hindi na nagpapakita sa akin ang ama ng anak ko at itinigil na rin niya ang kanyang sustento sa amin. September 28, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Eva ng Surigao del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ay nagsasabing ang lalaking tutulong sa iyo upang muli kang makapag-Japan na binanggit na sa Cartomancy ay isinilang sa zodiac sign na Aquarius, na medyo may kayumangging kulay ng balat.
Numerology:
Ang birh date mong 28 ay nagsasabing bagamat nahihirapan kang muling makabalik sa Japan sa kasalukuyan, subalit kapag muli ka nang nakabalik, sa taon ding ito, tuloy-tuloy ka na uling susuwertehin at mas marami pang magagandang kapalaran at oportunidad ang makakamit mo sa ikalawang pangingibang bansa sa Japan.
Luscher Color Test:
Mapalad ka naman sa kulay na pula at dilaw. Lagi mong isuot ang nasabing kulay upang malayo kahit na saang lugar ka, lalo pang mapabuti at lalo pang gumanda ang inyong kapalaran, lalong lalo na sa pag-ibig at materyal na bagay.
Huling payo at paalala:
Eva ayon sa iyong kapalaran ang mahalaga sa kasalukuyan ay magpatuloy ka lang na mag-aplay, dahil sa taon ding ito ng 2015, sa buwan ng Agosto, isang lalaking nagtataglay ng initial na R. S. ang tutulong sa iyo, at sa nasabi ding panahon, bago matapos ang taong 2015 sa buwan ng Nobyembre o kaya’y Disyembre, pinaka-matagal na sa Enero 2016, tiyak ang magaganap, sa edad mong 27 pataas, may ikalawang mas mabunga at mas mabiyayang pagdya-Japan na itatala sa iyong kapalaran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.